Robin, Mariel, nagpakasal sa India

Naunang tsismis na buntis na si Mariel at si Robin ang ama. Ito raw ang dahilan kung bakit sumunod si Mariel kay Robin sa bakasyon nito sa India.

At heto nga nagpakasal daw doon ang magsing-irog.

Dumating na last Saturday night sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez mula sa ilang araw na pagbabakasyon sa India. Naging mailap daw ang dalawa sa pagbibigay ng panayam sa media na nais makibalita kung totoong ikinasal na sila.

Say ng source namin, wala raw kumpirmasyon or denial si Mariel about the wedding issue at ang nasabi lang daw ng dalaga, may proper time para sagutin ito dahil sa ngayon ay may mas importanteng bagay na dapat isipin at ito ay ang bunsong anak ni Robin na si Ali.

Pagdating kasi nila ay may sakit ang bata at tinamaan daw ng matinding allergy kaya, ‘yung dapat pagpunta nila sa Naga last Sunday ay kinansela na ni Binoe para maalagaan ang anak.

Next week ay naka-schedule naman silang pumunta ng Hong Kong at three days naman silang mawawala.
Kaya mukhang hindi pa talaga makakabalik si Mariel sa Pilipinas Win na Win.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply