Saan kumuha ng sampung milyon si Carla Abellana?

WOULD you believe, may bagong bahay na si Carla Abellana na nagkakahalaga ng sampung milyon. Sobrang laking pera for a simpleton like Carla. Marami tuloy ang nagtatanong kung saan kumuha si Carla ng pambili.

At naturally, sasabihin niyang galing yun sa pawis niya.

Pero talagang marami ang ayaw maniwalang kumita ng ganoong kalaki si Carla Abellana.

Oo nga naman, first class starlet pa lang si Carla, nakabili na agad ng bahay ng may halagang sampung milyon? Kayo naniniwala ba kayo?

She and her mom, former actress Rhea Reyes, now live in her lola’s (Delia Razon) house in Horseshoe Village . With her earnings from showbiz, she was able to buy a P10 million townhouse.

Kung nakabili na nga bahay, bakit nakikitira pa sila?

“Ako, gusto ko lang maranasan magkaroon ng sarili kongbahay for my mom.”

Basta marami tiyak ang mag-aabang kung lilipat na si Carla sa bagong bahay niya.

Hindi kaya hulugan ang bahay na sinasabi nila kay hindi pa nila ito malipatan?

If that is the case, hindi pa niya ‘yun nabili. Unless and until hawak na niya ang titulo, ‘wag silang mamaraling sa kanila na’ng bahay.

SA TV5 LILIPAT SI WILLIE REVILLAME

Lilipat na ba si Willie Revillame sa TV5? May mga hints nga kasing sa TV 5 na siya magkakaroon ng bagong noontime show.

Katunayan daw, nagmi-meeting na ang mga staff ni Willie sa Tagaytay City ng kung ilang araw na.

If plans do not miscarry, baka raw mga bandang October na eere ang bagong noontime show ni Willie Revillame.

May naka-sight daw kasi kay Willie habang nakikipag-meeting diumano sa ilang executives ng Singko after ng presscon nito kung saan sinabi niyang tumitiwalaga na siya sa Dos.

Sa Hotel Rembrandt daw nagtuloy ang grupo ni Willie matapos ang kanyang presscon last week. Ang tsika pa, naroon daw sa meeting na iyon si Bobot Mortiz na kilalang kaalyado ni Willie. Best friends ang dalawa at ilang beses na silang nakitang magkasama noon.

Ang meeting ba na ‘yon, kung totoo mang nangyari nga, ay signal na lilipat na si Willie sa TV5?

May nasagap din kaming tsika na nagkakagulo na raw ngayon sa Pilipinas Win Na Win. Marami na raw kasi ang gustong sumama kay Willie. Marami na raw ang nagbabalak na layasan na ang show at ang network.

Nag-resign na si Jay Montelibano, ang Business Unit Head ng Pilipinas Win Na Win, at marami pa raw susunod na magre-resign.

Pag nangyari ito, baka mapilayan ang noontime show ng Dos. Kung sa bagay, hindi na naman talaga nagre-rate ang noontime show nila kaya nga ang ginawa nila ay ipinangtapat ang Showtime sa Eat Bulaga at medyo late na ang pasok ng show ni Kris.  Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply