Saan napunta ang $12.1B ng Psalm at Napocor

SOBRANG panloloko kay Juan ang ginagawa ng Power Sector Assets and Liabilities Management ukol sa presyo ng kuryente.

Ito ang ipinupunto ni Eastern Samar Congressman Ben Evardone nang tuligsain nito ang kagustuhan ng PSALM at National Power Corporation na rin na magtaas nang todo ang presyo ng kuryente sa buong repablik ni Juan.

Gusto nilang magmahal ang kuryente ng nasa P1.45 kada kilowatthour para mabayaran nila umano ang kanilang bilyon-bilyong pisong pagkakautang at hindi malugi ang pamahalaan.

oOo

Pero sino kaya ang nakaririnig sa boses ni Kong. Evardone, huh?

Diin ni kong, sa halip na ang ahensiya ang pagmulan ng pagbaba ng halaga ng kuryente, ito pa ang pasimuno ng pagtataas ng presyo ng kuryente.

Sabi ni Evardone, walang rason ang ahensiya upang humingi ng karagdagang singilin para sa kuryente.

Nakapagbenta na umano ito ng mga ari-arian ng Napocor at sapat na ang napagbentahan upang mabayaran ang lahat ng pagkakautang ng Napocor.

Paliwanag ni kong, Suki, nakapagbenta ang PSALM ng halagang $10.6 bilyong planta at kawad ng kuryente ng Napocor at nakautang din ito ng $2.8B.

Sapat na umano ang halaga para mabayaran ang utang ng Napocor na nagkakahalaga ng $5.3B lamang.

Ang ginawa pa nga umano ng PSALM ay magbitiw lang ng $1.3B dahil binalikat ng pambansang pamahalaan ang $4B.

Sa kabuuan, Suki, sinasabi ni Evardone na walang dahilan upang humiling ang PSALM, kasama ang Napocor, sa paghiling ng mas mataas pang halaga ng kuryente.

Pero kabaligtaran dito ang pinaggagawa ng dalawang ahensiya.

oOo

Saan kaya dinala ng PSALM at Napocor ang sobrang salapi, kong?

Kung susumahin ang natitirang salapi sa kamay ng PSALM at Napocor makaraan silang magbayad lamang ng $1.3B, nasa $12.1 lahat.

O P-Noy, kailangan mo nang ipakalkal ito.

Dapat sigurong magpadala ka roon sa mga ahensiyang yan ng mga tagasuri mula sa Commission on Audit para suriin ang kanilang mga rekord pampinansiya.

Nangangamba tayo, Suki, na kung totoo ang isinisiwalat ni Kong. Ben, nasa hindi mabuting kamay ang salapi ng kuryente ng bayan.

Alam naman natin kung gaano kakapal ang pagmumukha ng mga kawatan na nasa gobyerno.

Tinatawagan na rin natin ang Senado na sumawsaw sa usapin.

Kung pupuwede lang sana ay magkaroon na ng pinagsamang imbestigasyon ng Senado at Kamara para mas malawak ang pagkalkal sa kalokohan sa ahensiya.

Matagal nang pinagdududahan ang PSALM at Napocor na yan at panahon nang malaman ni Juan ang mga kabalbalang nagaganap diyan.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply