SB nag-Poncio Pilato sa Luisita land case

HINDI hahadlangan ng liderato ng Kamara ang anumang imbestigasyon  sa Hacienda Luisita na hanggang ngayon ay ipinoprotesta pa rin  ng mga magsasaka o obrero.

Sinabi ni Speaker Feliciano “SB” Belmonte na pakiusap niya lamang ay huwag sanang makaapekto ang anumang pagsisiyasat ng Kamara sa usapin na matagal nang nasa korte.

“No. I can’t tell if it won’t push through. I just hope that if it does push through it doesn’t in any way affect whatever deliberations on the Supreme Court,” paliwanag ni Belmonte sa isang press conference.

Mayroon na umanong mga grupong nanawagan sa SC na madaliin ang usapin upang ito ay matuldukan.

Maging ang mga kinatawan ng Akbayan sa Kamara ay nagsabing unconstitutional ang ipinatutupad na stock distribution option (SDO) ng Hacienda Luisita.

Sinabi ni Akbayan Rep. Kaka Bag-ao na “pinaikot-ikot na ng mga abogado ng Hacienda Luisita ang usapin sa SDO sa Korte Suprema, simple lang naman ang tanong—ito ba ay ayon sa ating Konstitusyon?” Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply