Senate custody kay Lacson pinalagan ng pamilya Dacer

HINDI  pabor ang mga anak ng pinaslang na publicist Salvador Dacer sa panukalang “house arrest” at Senate custody para kay Senador Ping Lacson sakaling  sumuko sa otoridad at harapin ang kasong Dacer-Corbito double murder case.

Ayon sa pahayag kay Atty. Demetrio Custodio, abogado ng pamilya Dacer , nais  ng mga anak ni Dacer na makitang nasa kulungan ang puganteng senador habang hinaharap nito sa korte ang kaso.

Hindi umano papayag ang mga ito sa suhestiyon ni Sen. Gregorio Honasan na payagang sumailalim sa “senate custody” si Lacson kapag sumuko ito.

“The offense for which Sen. Lacson is charged does not allow for Senate custody since the penalty is more than six years. No one is above the law and Sen. Lacson should not be an exception,” sabi pa ni Custodio.

Binanggit bilang halimbawa ni Custodio ang kaso ni Senador Antonio Trillanes IV na nananatiling nakakulong kahit na ito ay nanalo sa noong 2007 elections dahil sa kasong coup d’ etat na kinasangkutan nito noong July 2003 Oakwood mutiny.  Gil  Bartolome

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply