Shabu lab sinalakay sa Pasay at Las Pinas

NILUSOB ng magkasanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Southern Police District ang dalawang magkahiwalay na lugar sa Pasay at Las Pinas City na hinihinalang ginagamit na laboratoryo sa paggawa ng shabu.

Sa bisa ng search warrant na inilabas ni Manila Regional Trial Court  Judge Amor Reyes ng Branch 21, sinalakay ang bahay sa 18 Clarinda Raymond st., BF Resort Village, Brgy. Talon Dos sa Las Pinas, dakong alas-12:00 ng tanghali na ginagawang laboratoryo habang sa Lancaster Condominium sa F.B. Harrison st., Pasay City naman dinadala upang doon ibenta.

Nadakip sa drug operation ang apat na Chinese national  na sina Jason Li alyas “Bao Ta Li”; Alex Sy Li, alyas “Wah Ya”; Xi Xuan Ang, alyas “Ang Ha”; at Li Yu Xiang.

Sa report na tinanggap ni SPD Director Chief Supt. Jose Arne delos Santos, nahuli ang tatlo sa apat na suspek na pawang mga chemist sa drug laboratory sa Las Pinas city habang si Li Yu Xiang ay nadakip sa Pasay City na pinag-iimbakan ng nalulutong droga.

Napag-alaman na noon pang Nobyembre, 2009 inupahan ng mga suspek ang bahay sa Las Pinas  subalit nitong buwan ng Marso, lahat ng kanilang mga kagamitan ay inilipat sa inupahan namang condominium sa F.B. Harrison upang maging maluwag ang lugar na paglulutuan ng shabu.

Noon pang Lunes ng gabi isinailalim sa pagmamanman ng PDEA at SPD ang dalawang lugar at hinintay na mailabas ng korte ang hiniling na search warrant na nagresulta sa pagkakakumpiska nang umaabot sa 561gramo ng shabu at hindi pa batid na mga kemikal saka mga paraphernalia sa paggawa nito. Johnny F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply