Shaina Magdayao, todo bantay kay John Lloyd Cruz

GRAVECIOUS etech na tsika ng aming tsismosang kapitbahay sa pagsasabing todo bantay daw itong si Shaina Magdayao sa dyowa nitong si John Lloyd Cruz sa teyping ng Imortal.

Dagdag tsika pa ng aming tsismosang kapitbahay na minu-minuto nga raw ay talagang tumutunog ang cellphone ni John Lloyd, dahil si Shaina nga raw ay super mega tsek sa dyowaers sa pamamagitan ng text. Kababasa pa nga lang daw ng isang text eto’t muli na naman daw tutunog ang CP ni John  Lloyd.

Minsan nga raw sa kasagsagan ng teyping ng Imortal ay takaw-pansin ang tunog ng CP at ‘yun nga as usual na CP na naman ni John Lloyd ang tumunog at ayon text daw ulit ni Shaina.

Kakalerka nga raw ang mega text at super monitor nitong si Shaina sa bf na ikinaloka ng ilang staff at crew ng Imortal.

Suggest pa nga ng aming tsismosang kapitbahay na isama na lang daw sa shoot si Shaina para raw hindi daw ito text ng text. Baguhan pa nga  lang daw kasi ang relasyon kaya ganun daw pa kainit ang kanilang pagmamahalan na tru text ay nakabantay si Shaina.

Kaya tanong ng bayan at aming tsismosang kapitbahay, hanggang kailan at hanggang saan?

May ganun? Well, abangan!

PAGPASOK NI VENUS RAJ SA TOP 5 NG MISS U, KARANGALAN NA

Sa pagpasok ng ating pambato sa Ms. Universe na si Venus Raj ay isang karangalan na naman ang ibinigay sa atin ng ating kababayan na si Venus sa ating bansa na kung saan mula sa Top 15 ay pumasok si Raj at muling pumasok ang ating Ms. Phils. sa Top 5 .

Major major na papuri naman ang nakamit ni Venus sa kanyang pagkakapasok sa Top 5 at naging 4th runner up sa katatapos lang na Ms. Universe na ginanap sa Mandalay Bay Resort sa Las Vegas mula sa mga dating Ms. Universe na sina 1969 Ms. Universe na si Gloria Diaz at 1973 Ms. Universe na si Margie Moran sa pagkakapanalo ni Ms. Raj.

Ultimo sina Zsa Zsa Padilla, Anne Curtis, Angel Locsin at iba pang mga Kapamilya talent ay proud na proud kay Venus sa pagkakapanalo niya sa 2010 Ms. Universe at kino congratulate nila ito sa kanyang pagkakapanalo.

Nagkaroon pa nga raw sa Bikol ng non-working day kahapon para mapanood nila ang kanilang kababayan sa big screen at tuwang-tuwa naman ang kababayan na taga- Bikol kay Venus sa pagbibigay niya ng karangalan sa ating bansa.

Dahil naman sa pagkakapanalo ni Ms. Raj ay dumagsa daw ang  offer na ito to do a TV show sa iba’t ibang network ayon sa ating tsismosang kapitbahay.

Happy naman ang kampo ni Venus sa offer na magkaroon ng TV show kung sakaling pumayag na itong si Raj sa offer at kung kaninong network.

For sure na waging wagi din ito, at this point in time, eh, ay tahimik pa nga rin ang kampo ni Raj at ultimo ang ibang network ay gusto naman na makapag-guest itong si Venus sa kanilang himpilan.

O, di ba, bonggacious talaga, iba talaga ang nagagawa ng popularity! Marami namang critics na nagsasabi na baka sa Kapamilya i grab ni Ms. Raj ang offer para magkaroon ito ng TV show.

MAS MATINDI ANG MARARANASAN NG ATING BANSA SUSUNOD NA TAON— MADAM THERESA

Nagsimula na nga ang mga hula noon ni Madam Theresa sa pagsasabi na marami pang mga pagsubok ang pagdadaanan ang ating mga kababayan Pinoy dito sa bansa natin .

‘Yung mga nangyari na hostage  crisis ay isa lang sa mga nakita sa bolang kristal ni Madam Theresa.

Pinag-iingat at sinasabi naman ni Madam Theresa, ang batang psychic na ibayong pagdarasal ang gawin sa susunod na taon, dahil mas matitindi ang darating sa lahat na mga pagsubok mula sa kalusugan, hanapbuhay at pag-ibig at maaapektuhan ng todo-todo.

Dagdag pa diyan ang mga problemang pambansa na lahat ng mamamayang Pinoy na kailangang magkaisa para malagpasan at maligtasan natin ang mas matindi pang mangyayari sa atin lahat.

May nakikita sa bolang kristal si Madam Theresa na maraming kalamidad ang mararanasan natin sa susunod na taon mas matindi pa daw kay Ondoy at Pepeng.

Pinag-iingat din ng batang psychic ang lahat sa isang nakakakilabot na sakit na ikakagimbal ng buong mundo ay makakaranas nito. Tanging panalangin at pananalig sa Diyos ang kailangan ng lahat.

Para sa mga gustong magpahula ng personal kay Madam Theresa aba’y maari kayong tumawag o mag text sa numero na ito 09272885666. Tawag na! Jovi Llosa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply