MMDA problemado sa paglilipatan ng squatters sa mga baybayin

SA araw-araw na biglaang pagbuhos ng malakas na ulan kasunod ang malawakang pagbaha sa kamaynilaan, muling nagpahayag ng pangamba si Sen. Loren Legarda sa posibilidad na maulit ang mala-Ondoy na trahedya.

Sa ikalawang pagdinig ng Senate Climate Change Committee ikinagulat ni Legarda na patuloy pa rin na naninirahan ang ‘informal settlers’ (squatters) na manirahan sa mga baybayin mula sa Laguna de Bay hanggang  Manila Bay.

”I’m alarmed by report that while dredging at the Laguna Lake has not yet been done and the urban settlers continue to occupy the drainage and water ways, another Ondoy tragedy will occur due to possible flashfloods,”  ani Legarda sa naturang pagdinig.

Aniya, ang kalagayan sa Laguna de Bay ay posibleng maging sanhi ng flashfloods.

“Akoy nababahala sa report na habang hindi pa nadi-degrade ang Laguna lake at habang hindi pa naayos ang mga tahanan at tirahan ng ating mga urban settlers ay maaring mangyari muli ang ondoy at magbabaha na muli dahil nandun pa rin yung sagabal.  At ano ang sagabal na ito… yung over siltation ibig sabihin ang water level sa Laguna de Bay ay puro silt na galling sa bundok at pangalawa ay nakaharang pa nga un mga bahay sa mga drainage at water ways na tinirahan mga tao.  Wala naman silang pupuntahan na iba at hindi naman nire-relocate ng gobyerno. Yun ang mga hamon na inamin ng mga ahensya ng goberyerno,” saad ni Legarda.

”This is a challenge to both national and local governments to address the possibility of relocating the residents occupying the water ways,” giit pa ni Legarda, Chairman, senate committee on climate change.

Bilang paghahanda sa negatibong epekto muli ng climate change,  nanawagan ang lady senator sa Commission on Climate Change at iba pang  kinauukulang mga ahensiya ng gobyerno na agad lumikha ng adaptation plan.

“They should also make applicable all their plans with regards to climate resilient like our agriculture and infrastructures,” giit pa ng mambabatas. Gawin nila na applicable yun kanilang mga plano dahil kapag pinag-usapan palagi natin climate resilient agriculture, climate proof energy.  Itoy hindi naintidihan kaya sinusuri natin ang bawat sector, yung agriculture, energy, infrastructure, ano ba ibig sabihin na climate proof ang kanilang sector?  Ang ibig sabihin sa agriculture na yun kanilang ipinabibigay na binhi sa mga magsasaka ay dapat akma sa baha o akma sa init ng panahon o sa panahon ng tag-init tapos sector ng infrastructure sa public works ay kailangan meron silang water collectors sa panahon ng baha ay ito ay sa ilalim ng mga kalsada. Ito ang ating pinag-usapan ngayon para naman maintindihan natin kung paapano ba ina-apply yung batas para hindi lang konsepto,” paliwang ni Legarda sa isang panayam matapos ang nasabing pagdinig.

Sa naturang pagdinig, aminado naman ang kinatawan ng Metro Manila Development Authority na mahirap sa kasalukuyan na ilikas ang naturang squatters sa lugar dahil sa wala silang makitang posibleng paglagyan sa kanila.

“Yun ang inamin ng MMDA. Hanggang ngayon daw ay two years na nire-request nila ay wala pa daw relocation site at sinabi ni Senate President Enrile na ito ay merong political realities na ang LGUS  ang dapat tumulong din para ire-locate ang mga nakatira sa waterways.

Dapat talaga silang ire-locate dahil nanganganib ang kanilang buhay kung sila ay nakatuntong sa daluyang ng tubig.

”We have to relocate them because their lives would be in danger again if they will remain living along the water ways,” paliwanag pa ni Legarda.

Magugunita na milyung mga residente ang naapektuha ng ng flashfloods na sumalanta sa mababang lugar sa  Metro Manila partikular malapit sa Laguna de Bay kabilang ang  Marikina dahil sa bagyong Ondoy sa labis na pagbuhos ng ulan. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply