SSS ginatasan ng GMA appointees–Drilon

INIHAYAG  ng isang senador na ginawang “gatasan-baka” ng tatlong opisyal na itinalaga ni dating Pangulo, Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang Social Security System (SSS) na pinagkakitaan ng milyong-milyong bonus at sapi sa pamuhunan.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate committee on finance sa fat bonuses ng mga Government Owned and Controlled Corporation (GOCCs), partikular na tinutukoy ni Sen. Franklin Drilon sina SSS Chairman Romulo Neri, Director Thelmo Cunanan at dating Rep. Sergio Apostol.

Ayon kay Drilon, bukod sa pagiging miyembro ng Board of Trustees ng SSS ang tatlong opisyal, naitalaga din sila bilang director ng Union Bank, Philex Mining Corporation at First Philippine Holdings Corporation na pinaglagakan ng pamuhunan ng naturang pension fund.

“Parang ginawa nilang gatasan ang SSS,” ayon kay Drilon.

Sinabi pa ni Drilon na sa pagiging director lamang ng Union Bank na pinaglagakan ng pamuhunan ng SSS, multi-milyong ang kinita ng tatlong nabanggit na trustees ng SSS na umaabot sa kalahati ng kabuuang kita ng ahensiya sa naturang bangko.

“The 3 of them, in 2009 from the Unionbank board, made P46,293,000 just from Unionbank alone. And the dividend of the SSS from Unionbank during the same period is approximately P100 million. While the SSS made dividends of about P100.4 million, just to be more precise, Messrs. Cunanan, Neri and Apostol made P46,293,000 in directors’ bonuses from Unionbank.,” paliwanag ni Drilon

Sa kanyang liham naman sa Senado, sinabi ni Cunanan na galing sa sarili niyang bulsa ang perang ipinambili nya ng sapi sa Philex at hindi umano P66 milyon (P63M na sinasabi ni Drilon) ang kanyang kinita dito, kundi P15.3 milyon lamang.

“Above all, I wish to reiterate that not a centavo of SSS funds went into my purchase of these shares of stock under the Philex stock option plan. I paid for them and I have receipts for them,”  depensa ni Cunanan sa kanyang liham kay Drilon na may petsang Agosto 27, 2010. Ernie Reyes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply