Technician motorsiklo sumalpok, tepok

TUMILAPON ng halos sampung metro ang isang technician nang mabundol ng kasalubong na kotse ang minamanehong motorsiklo habang tinatahak ang Veterans Road, sa Taguig City.

Bagama’t nakasuot ng helmet, nagkabali-bali ang buto sa katawan ng biktimang si Nelson Apostol , ng 100  Masbate St., Zone 5, Signal Village na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Sa ulat ni PO1 Joniel Vargas, sakay ng kanyang motorsiklo (3361-PD) si Apostol at pauwi na nang mabundol ng kotseng minamaneho ni Segundo Reyes, Jr,,  48, vice president for operation ng  Philipppine Air Force Cooperative sa Western Bicutan, dakong 8:20 ng umaga.

Tinangka pang isugod ni Reyes sa Taguig-Pateros Hospital si Apostol subalit hindi na umabot nang buhay.

Si Reyes ay sinampahan ng kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide ng pulisya habang ang  kotseng Toyota Corolla nito  na may plakang USW-803 ay pansamantalang naka-impound sa Traffic Enforcement Unit ng Taguig Police. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply