Torture cops ginisa sa Senado

ITINANGGI  ni Sr. Insp.  Joselito Binayug na siya ang nasa video na nagpapahirap sa isang holdaper sa  loob ng isang presinto sa Maynila.

Sa pagdinig kahapon sa Senado, sinabi ni Binayug na hindi siya ang tinutukoy sa video  na may hawak na panali na nakakabit naman sa maselang bahagi ng katawan ng isang holdaper.

Hindi umubra si Senate President Pro Tempore Jose Estrada sa pagtanggi ni Binayug.

Ikinatwiran ni Binayug na ang kaso niya ay nasa korte na kaya hindi siya pwedeng  magpabas ng pahayag.

Nagbabala pa si Estrada na “under oath” si Binayug, pero iginjit nito na hindi siya ang tao sa video.

Sinuportahan naman ni Chief Supt,  Roberto Rongavilla, Head ng Task Force Asuncion ang pahayag ni Binayug.

Sinabi ni Rongavilla na batay sa mga testimonya ng mga testigo, itinuturo ng mga ito si Binayug at katunayan ay sinampahan na ito ng kaso sa korte. Vicky Cervales

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply