TUESDAY VARGAS, INSECURE KAY WILMA DOESNT

PINABULAANAN ni  Wilma Doesn’t na hindi sila nagpapansinan ni  Tuesday Vargas sa Sunday noontime variety show ng TV 5, ang “P.O.5.” Ang dahilan daw iisa ang kanilang make-up artist. Ang naturang make-up artist ay dati ng make-up artist ni Wilma sa “Sweet Life”.

Ngayong magkasama na dalawa sa “P.O.5”, sinabi ni Wilma na siya na ang mauna dahil  maaga siyang dumarating mula Cavite at si Tuesday ay nasa Maynila lang.

Nalaman na lang ni Wilma na exclusive na kay Tuesday ang make-up artist dahil mataas magbayad  ang huli. Dagdag pang chika na ipinarating kay Wilma, may utang daw siya make-up artist. Depensa ni Wilma, paano siya magkautang eh, ang production ng “Sweet
Life” ang nagbabayad sa make-up artist. Dagdag pang chika, hindi kaya insecure lang si Tuesday kay  Wilma?

Ani Wilma, stage actress si Tuesday at siya’y isang supermodel! Si Wilma ang celebrity guest sa  Paparazzi Express nu’ng Linggo.
Samantala, kahit nalungkot si Wilma sa pagkawala niya  sa  “Sweet Life” sa Q TV masaya naman siya ngayon dahil dalawa ang shows ang kapalit sa TV5.

Kaya present sa arraignment
LOVI POE, SUPORTA AS FRIEND NI CONG. SINGSON

Sa pag-upo ni Lovi Poe sa “Don’t Lie To Me” ng “Showbiz Central” nu’ng Linggo, sinabi ng aktres  na pagsuporta lamang bilang kaibigan ang dahilan kung bakit nagpunta siya sa Hong Kong nu’ng araw ng arraignment ng kanyang napabalitang boyfriend na si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson.

Aniya, this is who I am. I am this kind of person. I am this kind of friend. If you did something wrong, I will tell you but I’ll be right
by your side. At may mensahe pa si Lovi kay Cong. Singson, “he already knows that.”
Samantala, hindi nag-back-out si Lovi sa isang kabanata ng “Lovebug” sa GMA. Ang dahilan diumano’y natakot ito sa kanyang kapareha na si Mark Anthony Fernandez.

Bukod kay Mark Anthony, mayroon pang “Lovebug” episode si Love kasama si Roco Nacino kung saan kinunan ito sa mga matulaing lugar at beaches sa Palawan.


ELMO CRUSH SI RHIAN

Only 16 years old si Elmo at crush si Rhian Ramos. Dahil sa versatility nito bilang actress. At never nagkaroon ng girlfriend si
Elmo. Pokus lang siya sa studies.

Sa pagkakaroon ng loveteam, kahit sino basta naaangkop sa kanyang edad pero for the meantime wala pa siyang ka-age.
Sa “Party Pilipinas” ka-loveteam niya si Julianne.

Alam natin mahusay kumanta si Elmo, pero palaging take-1 pagdating sa drama.

Sa pag-aaral? Tapos na ng hayskul si Elmo pero hindi muna nag-aral ng college dahil tatlong shows ang nilalagare sa kasalukuyan. Balak niyang kumuha ng Theater Arts or Computer Science sa University of the Philippines. Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply