TV crew binastos ni Mariel Rodriguez

NAGING kakaiba talaga ang mga ikinikilos ni Mariel Rodriguez nu’ng bumalik sila ni Robin Padilla sa Pilipinas galing sa India.  Walang pag-aalinlangan talaga, na ipinagkanulo si Mariel ng kanyang mga ikinikilos, na sa ngayon ay hindi na masusukat ang lalim ng relasyon nila ng action superstar.

Nang makunan ng TV crew ang pagdating nila sa airport sa kanilang pagbabalik, ay kulang na lang ay hindi bumitiw ng magandang TV host kay Binoe.

Heto na!  Nu’ng iniinterbyu ni Gretchen Pulido si Robin, ay magalang na nagkukuwento si Binoe, na nasa plano na nga, na ang kanyang anak na si Ali Padilla ay pauwiin na niya sa Australia sa kanyang mommy na si Liezel Sicangco.

Aba!  Hindi naman tungkol sa kanilang relasyon ang itinatanong ng reporter, ay biglang hinihila ni Mariel ang kamay ni Binoe papalayo, at ang sabi:  “Let’s gooo!  Bye!”  kaya bahagyang nagulat si Robin.  Na parang ang dating ay mababastos naman niya ang nag-iinterbyu kung bigla niyang iiwan, samantalang may ipinapaliwanag pa siya.

Kakaiba na nga talaga ngayon ang mga ikinikilos ni Mariel.  Kaya naman hindi nakapagtataka, na pinaghihinalaan na nagpakasal na nga sila. Kung babasahin ang mga ikinikilos ng TV host, ay parang si Binoe na talaga ang hari sa kanyang puso, ang nagpapasaya sa kanya, at iniikutan ng kanyang masayang mundo ngayon. Melchor M. Bautista

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply