ULTIMATUM: BOC, NBI at Task Force Subic

MALINAW ang kautusan ni DOJ Sec. Leila de Lima na i-recall ang lahat ng NBI na naka-detail sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan.

Pero ano ang ginagawa nitong isang NBI tuwing Miyerkules sa Subic samantala ay sa Maynila naman ito nakadestino?
Wala itong respeto sa kautusan ng kalihim ng DOJ.

Bakit? Heto ang sumbong ng ating uzi… Nagpapanggap pa rin daw na Task Force Subic ang isang ahente ng NBI kung saan nangongolekta pa rin ito sa oil smugglers ng lingguhang payola.

Kilalang notorious daw itong NBI na ito basta’t pera ang pinag-usapan, makikilala mo raw ito dahil ito lang ang “nabalo” sa NBI.

Sino kaya ang amo nitong nag-uutos sa kanya para mangotong?

Dahil nang kapanayamin natin si Dir. Magtanggol Gatdula, nagulat pa ito sa ating ipinarating sa kanya.

Dir. Gatdula, yang mga tulad ni Nabalo ang mga dapat na itinatapon sa Mindanao.

oOo

Kinasuhan kamakailan ni Bureau of Customs Comm. Lito Alvarez ang Viking Haulers na pag-aari ni Reynaldo Pazcoguin sa pagpapalusot nito ng mga luxury car na katiting lang ang binayaran na buwis sa bansa.

Hindi ba naisip ni Komisyoner na magbuboomerang sa BOC ang kanyang ginawa?

Hindi ho ba’t mas maganda kung uunahin n’yong kasuhan ang mga dinaanan d’yan sa BOC ng papeles?

Yun bang === mga matatakaw d’yan sa loob.

Tanong lang po ng ULTIMATUM…

Kung ang BOC ay isang tindahan at ang Viking Haulers ay kostumer na bumibili, hindi ba’t ang magsasabi kung magkano ang babayaran ay ang BOC?

At bilang patunay sa kabayaran ay magbibigay ito ng resibo?

Ngayon kung gumawa ng kagaguhang pailalim ang tindero sa BOC o ang kahera, kasalanan ba ng Viking Haulers yun na kostumer n’yo lang?

Sabihin na nating may kasalanan nga ang Viking Haulers, mga Bro!

Hindi ba’t mas malaki ang kasalanan ng mga dinaanan?

Ilan ba ang humimay riyan sa papeles na yan bago nakalusot? Hindi ho ba isang katutak na magagaling ang utak?

Sa susunod ay ULTIMATUM ang hihimay kung sinu-sino ang dinaanan ng papeles diyan sa loob ng Bureau of Customs para sabay-sabay na kayong magkandaletse-letse. Pramis!

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply