ULTIMATUM: Payo kay Pangulong Noynoy at ang sagot ng Toby’s Sports

Ni BENNY ANTIPORDA —

PAANO mapupunan ang lahat ng puwestong nabakante sa gobyerno?

Yan ang tanong ng ating uzi makaraang makita nito na talaga nga namang napakabagal ng proseso ng pagpili ng Pang. Noynoy dahil sa kanya mismo dumaraan ang bawat napupuwesto.

Mr. President, akala n’yo po ba ay perpekto ang mga napipili ninyo?

Ilan ho sa mga sampol na maibibigay ko sa inyo ay si MMDA Chairman Bumble Tolentino, hindi ho ba’t may nakabimbin din s’yang kaso?

Isunod naman natin si LTO Assec. Virginia Torres, hindi ba’t may kaso ring carnapping na nakabimbin laban sa kanya?

Si Customs Comm. Lito Alvarez, sa simpleng larong golf ay nagkaproblema rin.

Nakita n’yo ho? Yan ay ilan lang sa mga naipuwesto n’yo na magagaling naman talaga sa serbisyo publiko pero may mga nasabitang kaso.

Ang pinag-uusapan po r’yan ay mga sumabit sa kaso pero pinanindigan na po ninyo dahil naipuwesto na, tama ho ba? Paano naman yung mga karapat-dapat naman mapuwesto pero hindi n’yo maaaring piliin dahil sandamakmak ang naninira?

Hay naku! Mr. President, ang maganda siguro’y alamin n’yo muna kung sa buong buhay ng inyong pipiliin ay nasabit na ba ito sa anomalya, nakasuhan ba ito at napatunayang kawatan at saka na kayo magtanong kung ano ang background nung tao bago kayo maghusga.

Hindi ho kasi maganda ang naging desisyon n’yo kay S/Supt. Francisco Villaroman na ipinuwesto sa MPD ng isang araw pero pinasibak n’yo raw kaagad dahil lang kay Rosebud? Tingnan n’yo muna ang pinanggalingan ni Rosebud bago n’yo husgahan si Villaroman!

oOo

Sinagot na ng Toby’s Sports ang reklamo sa pandaraya ng isa sa kanilang manager.

Humingi ng paumanhin si  Toby’s Store Supervisor Mr. Juver H. Guinto sa naganap.

Pero ang ipinagtataka ng ULTIMATUM ay bakit “reprimand” lamang ang naging parusa sa kanilang manager?

Yun bang === sinermonan lang ang manager.

Hindi man lang inimbestigahan kung ano ang tunay na pangyayari.

Mr. Guinto, kung ganyan po ang magiging sagot n’yo sa ULTIMATUM, hindi ho kayo ang tamang tao para lapitan namin d’yan sa Toby’s Sports Shop.

Kaya pala walang disiplina ang inyong mga tauhan!

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply