Venus Raj Kapuso artista na!

BIBIGYAN ng GMA Network ng exclusive contract si Venus Raj, ang Pinay na naka-fourth runner-up sa Miss Universe 2010 na ginawa sa Las Vegas, Nevada.

Balitang nag-usap na sina Ms. Wilma Galvante, senior vice president for entertainment  ng GMA 7. Nabanggit na raw kay Venus ang pagkuha sa kanya ng network.

Nagustuhan ng mga taga-GMA si Venus dahil sa pagiging down to earth sa kanyang pag-uugali. Walang kiyeme at mababa ang loob.

Sa interview kay Venus, napansin ng mga nakakausap niya na ginawang positive ni Venus ang kanyang sinagot sa Miss Universe.

Laking tuwa ni Venus na ang word na “major- major” ay popular na ngayon.

Dahil sikat na si Venus, di lang sa Pilipinas, kundi sa abroad.

Sisimulan na ni Venus ng pagigi-guest sa iba’t- ibang show ng GMA Network. Sa Tuesday ay may taping na siya ng Show Me Da Manny.

Ngayong Sunday, mapapanood ang Show Me Da Manny na riot sa katatawanan. Siyempre,pangunahing cast sina Marian Rivera at Manny Pacquiao. Makakasama pa rin sina Ogie Alcasid, Lovi Poe., Benjie Paras, Paolo Contis, Rochelle Pangilinan,  at iba pa.

oOo

WALA ka nang mahihiling pa kay Marian Rivera kapag nasa harap ng camera ng Show Me Da Manny. Nagagawa niya ang pagiging  natural comedienne niya. Nailalabas din niya ang kanyang pagiging madaldal. Palatawa rin siya dahil makukulit ang kanyang mga kasamang stars.

Bale relief kay Marian ang role niya sa SMDM dahil madrama ang role niya sa Endless Love.

Lalo na ngayon, higit na masalimuot ang takbo ng istorya ng soap opera na hango sa Korean soap, na may ganitong titulo rin.

Nagtanan na sina Marian at Dingdong bilang sina Jenny at Johnny. Magpu-propose na ngayong Monday si Dingdong ng kasal kay Marian sa istorya. Kaya para real life nila, ano? Di ba may balitang nag-propose na si Dingdong kay Marian sa tunay na buhay.

Abangan na lang ang nakakakilig na istorya ngayong Monday sa Endless Love. Noel Asinas

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply