Vice Ganda, aminadong yumabang na

DIRETSAHANG sinagot ni Vince Ganda ang paratang na yumabang na siya magmula nang mag-hit ang concert niya sa Araneta Coliseum.

“Totoo mayabang ako! Kung basehan nila kapag nagsabi lang ako ng totoo at nagsalita ng kung anong gusto kong sabihin ay mayabang na ako, Totoo! Mayabang ako!” pahayag ni Vince na ngayon ay bagong endorser ng Globe Prepaid.

Ang layo na nga ni Vince sa mga baklang nakasabay niya sa Comedy Bar dahil eto siya ngayon namamayagpag sa kasikatan.

Naging mainstay sa Showtime bilang isa sa mga hurado at ngayon ay endorser lang naman ng Globe.

Aba! Kapantay na niya si Sarah Geronimo na endorser rin ng Globe. Pero isang napakatamis na ngiti lang ang naging pahayag niya ng sabihin kapantay na niya si Sarah.

“Masuwerte lang po at ako ang kinuha nila. Bakit nga ba? Natatawang pahayag ni Vince sa ginanap na presscon sa Annabels resto kamakalawa.

Samantalang ask namin si Vince kung bakit bigla siyang nawala sa Showtime ganoon siya pa naman ang pinag-uusapan na isa sa matapang na hurado nagsasabi ng tunay na nadarama sa bawat contestant ng show?

“Nagpunta po kasi ako kaagad ng Tate para tingnan ang kalagayan ng aking mama (tawag niya sa kanyang Lola). Nanganib po kasi ang kalagayan ni Mama. Sa totoo lang ay mas naging malapit ako sa aking mama kaysa mga magulang ko, Pero mahal ko rin po silang lahat,” say ni Vince.

Ayaw niyang iwanan o mawala sa Showtime pero ayaw na raw niyang maging hurado.

Ano daw ang dapat niyang gawin?

ANNE, RICHARD BETTER OFF AS FRIENDS

Sa thanksgiving at victory party ng “In Your Eyes” ay nagpasalamat ang cast sa pangunguna nina Claudine Barretto, Anne Curtiz at Richard Gutierrez sa mga entertainment press na walang sawang sumuporta sa kanilang pelikula sa pamamagitan ng pagsusulat ng kanilang movie at lahat ng mga nanonood ng “IYE” na joint venture ng GMA Films at Viva Films.

Kahit masama ang pakiramdam ni Anne na umuubo pa ng makausap namin ay dumating ito para magpasalamat.

Hindi binigo ni Anne ang leading man na si Chard na darating siya kahit masama ang pakiramdam. Kaya tinanong tuloy namin ang actress kung totoong nagkaroon ng balikan blues sa kanila ng actor?

Isang pagkatamis-tamis na ngiti ang isinagot nito at sabay sabi: “We are better as friends at kapwa kami masaya sa ganitong sitwasyon.”

Itinanggi rin ni Anne nakaapekto ang mga kissing at love scene nila ni Chard sa sinasabing guy ngayon ng actress.

“No! not true,” natatawang say pa ni Anne.

Napaka-professional talaga ni Anne dahil kahit na masama at inuubo ito ay nagawa pa rin niyang paunlakan at puntahan ang okasyon.

Marami rin ang nakapansin sa kaseksihan ngayon ni Anne.  True nga in-love ito ngayon kaya malabong magkabalikan sila ngayon ni Chard.

Bago nakaalis si Anne ay sinabi nito na baka magkaroon uli sila ng movie ni Chard at possible raw magkaroon ng part 2 ang “In Your Eyes.”

**************

Nagsimulang umere sa telebisyon ang Survivor Philippines Celebrity Edition, may kanya-kanya nang bet ang entertainment press nang iharap ang 18 Castaway.

May hula na sina Elma Muros at Doc Ferds Recio ang maaring tumagal at isa sa kanila ang maging Celebrity Sole Survivor. Sila kasi ang senior at masasabing sanay na sanay sa physical activities.

May nagsasabi naman na kaya din daw nina Jon Hall, Ervic Vijandre,Yaya Moi, Aira Bermudez, Aikihiro Santo, Aubrey Miles at Michelle Madrigal  ang init, lamig, gutom at mga challenges na daranasin sa Survivor Philippines.

Ibinulgar nga ni Elma (Muros) ang pag-iyak araw-araw dahil sa sobrang hirap na dinanas nila roon sa loob ng halos isa`t kalahating buwan.

Bukod sa kakulangan ng pagkain at tubig ay matinding kagat ng lamok ang kanilang tiniis. Sanay na raw siya sa mahirap na training pero pagdating sa challenges na ipinagawa sa kanila sa SP ay muntik na raw siyang sumuko.

Lalo na raw kapag naiisip niya ang kaniyang mga mahal sa buhay na iniwanan niya para sumabak sa “SP.”

Sigurado marami na ang nag-aaabang sa kung sino ang matsu-tsugi at matitira. At siyempre inaabangan na rin kung sino itong pasaway sa grupo. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply