‘Walang makaaagaw sa akin kay Dingdong!’ —Marian

NADALE  ng food poisoning si Marian Rivera kamakailan lang. Si Dingdong Dantes ang nagkuwentong ang pancit na kinain ni Marian ang nakasira sa tiyan nito.

Sa pahayag naman ni Marian, ganito raw ang nangyari.

“Nagpunta kami ng hospital para talagang mabigyan ako ng tamang gamot. Saka ma-check up lahat. Sobrang sumama talaga ang pakiramdam ko. Tapos yun nga, nagsuka ako. Sobrang dami ko yatang nakain. Although, gusto nila akong kuhanan ng mga tests para makasigurado. E, pinapakiramdaman ko, nagiging okay naman ang pakiramdam ko.”

Tungkol kay Dingdong na nagsugod sa kanya sa hospital, ngiti ni Marian, “Oo, parang tatay ko nga. Kasi, siya talaga yung nagwo-worry, siya yung nagdala sa akin sa hospital, siya yung nakikipag-usap. Noong ginagamot ako, nandoon siya sa tabi ko.

“Kasi kapag may nararamdaman ako, hindi ko na kayang magsalita. Ibig sabihin no’n, hindi ko na kaya. Sobrang istrikto ng doctor ko na yun, na lugaw lang ang puwede kong kainin,” natatawa pa niyang sabi. “Pero ngayon, kumakain ako ng rice na walang mantika lang.”

Wala pa ba silang balak pakasal ni Dingdong?

“Kahit paulit-ulit nating sagutin ‘yan… well, para sa akin, hindi intriga ‘yan. Basta ang importante, love namin ni Dong ang isa’t isa. Yun ang pinakaimportante. Yun ang pinanghahawakan kong talaga.”

May pinagseselosan daw ngayon si Marian na kasama nila ni Dingdong sa trabaho?

“May kategorya ‘ko bago ‘ko magselos at wala pang nakakapuno sa akin at nakaka-level sa category. At saka, walang selos… Ano ba naman, lahat na nga ginagawa sa akin ni Dong, magseselos pa ‘ko, di ba?

“Sobra-sobra na ang ginagawa sa akin ni Dong at alam ng lahat kung gaano kami katibay ni Dong at kung gaano namin kamahal ang isa’t isa. Hindi naman sa isang iglap lang mawawala yun, hindi. Walang sinuman ang makakatinag sa aming dalawa,” matibay na pahayag ni Marian. Yun na! Cesar Pambid

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply