Website ng DFA hina-hack ng China, HK

Nagpaliwanag  ang pamunuan ng Department of Foreign Affairs  na hindi na-hack o nasabotahe ang kanilang website, kasunod ng malaking bilang ng nagbubukas nito mula sa China at Hong Kong na ibig mag-iwan ng komento dahil sa naganap na Manila hostage crisis.
Ayon kay DFA spokesman Atty. Ed Malaya, sumasailalim lamang sa regular maintenance ang kanilang server at walang anumang usaping nakapaloob dito.
Aniya, matagal nang nakaplanong gawin ang kanilang server at nagkataon lamang nang gawin na ito ay may naganap na madugong hostage drama na kung saan walong Hongkong nationals ang nasawi dito.

Matatandaang ilang government sites pati na ang Facebook account ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang binaha ng mga komento mula sa mga dismayadong banyaga dahil sa anila’y kapos na aksyon ng mga ahensiya ng gobyerno noong nasa kasagsagan ng hostage drama.

Wala namang ibinigay na araw si Malaya kung kalian matatapos ang nasabing maintenance.

Sinabi pa ni Malaya na patuloy pa rin silang nakikipag-ugnayan ang kanilang tanggapan sa ibang bansa kaugnay sa mga kalagayan ng mga Pinoy na nagtratrabaho doon. Amor Virata

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply