Wedding gown ni Regine, sagot ni Dra. Vicki Belo

NAGLABAS na rin ng official statement ang kampo ng comedy actress ng ‘Banana Split’ na si Angelica sa pamamagitan ng  kanyang lawyer na si Atty. Joji Alonso.

“Angelica has been advised to maintain her silence. There is no need for her to say anything, more so, in reaction to what has been said, she has not done anything wrong, much less, maligned Claudine. On the contrary, it is Angelica who is being maligned by these unfounded accusations.

“Neither is there a need to dignify this incident by saying something more than what has already been said. It is hoped that with this statement this issue comes to an end. Whatever more is said against Angelica shall be a cause for the filing of the appropriate civil and criminal cases.”

********

Hitsurang wedding of the year ang magaganap  sa kasal nina Ogie Alcasid at  Regine Velasquez.
Balitang  si Monique Lhuillier ang gagawa ng wedding gown ni Songbird dahil ‘yun ang dream niya. Ginawan daw ito ng paraan ni Ogie.

Matuk mo,  sa States pa  nagpasukat si Regine at sinamahan ni Dra. Vicki Belo na magiging ninang nila sa kasal. Iniintriga tuloy na baka si Belo na ang nagbayad ng gown ni Regine dahil usap-usapan na ito sa press.

Talbog!

-0o0-

Marami ang nagagandahan sa  full trailer ng ‘Imortal’ nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz. World class & high definition. Pati computerize na wolf, parang totoo. Gusto ni Angel ang series na ito dahil gusto niyang ma-identify sa action.

Sa naturang serye ay kasama rin niya si Maricar Reyes na napapabalitang dahilan ng hiwalayan diumano nila ni Luis Manzano. “Ayoko na ring pag-usapan kasi wala namang nagsalita nun, eh. Hello tapos na,” deklara ni Angel.

Hindi raw niya ito nakakaeksena pero ‘pag nasa standby area sila ay nag-uusap at nagngitian naman.

Hindi sila close ni Maricar pero hindi naman niya sinasarado kung dumating ang point nay un. Ang importante ay may respeto sila sa isa’t isa bilang magkatrabaho.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply