ZANJOE MARUDO, DI PA NAKAKA-MOVE ON!

Natatawa na lang si Zanjoe Marudo dahil puro kay Mariel Rodriguez pa rin ang tinatanong sa kanya. “Naka-move on na kami pareho
ni Mariel, pero ang mga questions hindi pa rin maka-move on,” nakangiting tugon ni Zanjoe.

But inspite of that, game pa ring sumagot si Zanjoe sa mga katanungan ng press people set ng pelikulang kasama siya tulad sa
biglaang pagbabakasyon ni Mariel abroad na ang hinala ng lahat at imi-meet nito si Robin Padilla.

“Nasa tamang edad na rin si Mariel. She’s 25 years old and she could decide whatever she wants to do with her life. Kung gusto niyang magbakasyon and meet Robin somewhere that’s her prerogative.

“Doon naman sa buntis isyu. Mahirap mag-comment diyan dahil hindi naman natin alam kung totoo ba ‘yan talaga. At saka parang
kailan lang naman sila nagkakilala nang husto ni Robin, di ba?” pahayag ni Zanjoe.

Aminado siya na apektado siya sa mga negative write-ups kay Mariel tulad sa balitang ito raw ang dahilan kung bakit napapabayaan
ni Robin ang mga anak nito. Kilala raw niya si Mariel at napakabait nitong tao. Wala raw regrets on his part sa naging paghihiwalay nila.
Siguro raw ay hindi sila talaga para sa isa’t isa. So far, wala pa raw siyang natatagpuan na bagong pag-ibig after Mariel.

MONIQUE WILSON, BALIK-TEATRO

Nagbabalik si Monique Wilson after a 4 year hiatus (nagtuturo siya ng theater sa London mismo) sa Philippine theater scene. She is
starring in a controversial new play titled “My Name Is Rachel Corrie”, produced by the New Voice Company and will be staged at the
Music Museum on Sept. 3 & 4.

She has nothing against nudity on stage kaso nga lang iba raw kasi ang perception ng mga Pinoy on live nudity on stage. Nandiyan pa rin ang malice. E, sa London lang ay balewala na raw ang paghuhubad.

“Dito sa atin kapag may naghuhubad humihingi kaagad ng extra pay o mas mataas na talent fee. Pero sa London, walang ganoon kasi ordinary na ‘yun sa kanila. Humihingi sila ng dagdag kung ipapasok sila sa loob ng coffin kasi mas mahirap para sa kanila ang gawin ‘yun.

E dito naman sa atin parang ordinaryo lang ang humiga sa loob ng coffin lalo na sa mga comedy,”paliwanag ni Monique.

Noong 1999 production ng RENT ay nagpakita na rin siya ng kanyang ass noon. “If nudity is necessary, I will do it!”  Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply