‘PNoy Boys’ ‘di tatantanan

GINAGAMIT lang umano ng ilang mambabatas si Interior Secretary Jesse Robredo upang makapag-grandstanding sa panawagang magbitiw na ang kalihim at iba pang tinaguriang “Pnoy Boys” na patuloy na  tinatadtad ng atake mula sa mga kritiko.

Dahil dito, pinayuhan ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na huwag gamitin si Robredo para sa pansariling interes.

Aniya, mahalagang mabigyan ng pagkakataon ang kalihim at huwag namang masyadong maging malupit lalo pa’t nasa “honeymoon period” pa aniya ito sa kaniyang posisyon.

Ngunit nanindigan ang minorya na dapat ng magbitiw si Robredo at ang Undersecretary nito na si Rico Puno kung nais pa nilang maisalba ang sarili mula sa lalo pang kahihiyan.

“If Robredo has any self-esteem left, he should resign with alacrity and save himself from further embarrassment and the DILG from damaged leadership,” giit ni Minority Leader Edcel Lagman.

Lalo namang nagpakita ng bangis si Deputy Minority Leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay sa plenaryo nang magsagawa ito ng privilege speech kung saan ipinamukha niya kay Pangulong Aquino ang kahinaan ng kaniyang liderato.

Kinuwestyon din ni Magsaysay ang paglalagay ni Pnoy ng mga miyembro ng Gabinete na walang kapabilidad, karanasan at kasanayan sa posisyong pinaglgyan sa kanila.

“How did it happen that people like Secretary Robredo and Usec. Puno were accepted in your Cabinet when they have not shown competence as they admitted during the IIRC investigation.  How many more are they in your cabinet?” pagtatanong pa ni Magsaysay.

Binanggit din ng kongresista ang isa sa mga miyembro ng Communications Group na si Ricky Carandang na aniya’y nailuklok lamang sa pwesto dahil sa “biased reporting in favor of Mr. Aquino using the facilities of ABS-CBN and by masquerading as a journalist when, in fact, he was a campaigner for Mr. Aquino,” ani Magsaysay.

“No wonder he could not reveal the truth of what really happened to Mr. Donald Tsang’s phone call,” pagtatapos niya.  Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply