‘PNoy itigil na ang paninigarilyo’—cancer survivors

“PANAWAGAN namin sa Presidente natin ay  suportahan ang aming adhikain na tigilan na ang paninigarilyo.  Sana’y tigilan na rin niya ang paninigarilyo para huwag naman siyang magaya sa amin na nawalan ng boses dahil kailangan pa siya ng ating bayan. Gayundin sa mga kabataan na hindi pa naninigarilyo.”

Sa mala-robot na pananalita, dahil sa nawalan ng boses dulot ng paninigarilyo, ito ang apila ni Edmundo Roxas, 58, ng Caloocan City kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino’ na kilala din bilang ‘smoker’ upang hindi mawalan ng boses dahil mahalaga ito sa kaniyang pamumuno sa bansa.

Si Roxas ay miyembro ng New Vois Association, na kinabibilangan ni dating Health Secretary Juan Flavier, mga minor de edad at magulang nito, sektor ng kabataan (edad 18-25), smokers at consumers ng mga produktong tabako, mga biktima ng sakit dulot ng paninigarilyo at pamilya ng smokers; na naghain ng petisyon sa Makati Regional Trial Court nagsampa ng petisyon sa Makati Regional Trial Court.

Ito’y laban sa mga nagmamanupaktura ng sigarilyo na patuloy na nagmamatigas na suwayin ang Administrative Order 2010-0013  na inilabas ng Department of Health (DOH).

Ang nasabing Kautusan ay nag-aatas sa tobacco manufacturers na gumamit ng ‘graphical warnings’ o drawing imbes na simpleng babala ng mga kataga o teksto sa matinding panganib dulot ng paninigarilyo na ginagawa ng pitong kumpanya ng sigarilyo sa bansa.

Kabilang sa inirereklamo ay ang Fortune Tobacco Corporation, Philip Morris Philippines, manufacturing, Inc., Philip Morris Fortune Tobacco Corporation, Telengtan Brothers and Sons, Mighty Corporation Tobacco Company, JT International at ang Philippine Tobacco Institute.

Ipinagbabawal din alinsunod sa AO ang paggamit ng  ‘misleading descriptors sa mga pakete ng sigarilyo gaya ng “mild”, “light”, “ultra-light” at “low-tar”.

“In separate cases, two tobacco companies have manged to secure injunctions from some, but not from all courts, by saying that the DOH cannot issue an administrative order promoting the public’s right to health because of a provision in the Tobacco Regulation Act,” ayon sa pahayag ng New Vois Philippines.

Iginiit naman ng ganito ni dating Sen. Juan Flavier na “It’s absurd that the tobacco companies are refusing to recognize the DOH AO using no less than the TRA provisions.  The aim of both laws is to protect the public from the evils of tobacco consumption.  The TRA does not remove the DOH’s authority  to regulate tobacco in the country.  If it has the effect of prohibiting other ways to protect the public’s right to health information, it might as well be struck down for being unconstitutional,” ayon sa pahayag ni Flavier.

Si Flavier ang pangunahing may-akda sa Senate Bill  o ang Tobacco Regulation Act noong  2003.

Binigyang diin pa ng dating senador na tungkulin ng DOH na tiyakin at protektahan ang kalusugan ng publiko.  “It’s very commendable that they came up with the AO, which does exactly that.  After all, who else would be responsible for protecting our right to health if the DOH is stripped of its duty to do just that,” dagdag pa ni Flavier.

Tinukoy pa nito na mahigit sa limang milyon katao ang namamatay kada taon dahil sa lung cancer, sakit sa puso at iba pang sakit na dulot ng paninigarilyo.  “Deaths caused by tobacco are manmade and preventable.

So much can be done to prevent it from happening, but there’s such strong opposition from the well-oiled machinery of the tobacco industry.”

Ang kautusan ng DOH ay alinsunod sa World Health Organization’s Framework Convention on Tobacco Control na napagtibay limang taon na ang nakararaan ng mga miyembrong bansa kasama ang Pilipinas.

Lumagda ang mahigit 100 petisyoner kabilang ang mga kabataan, anti-smoking advocates at mga  cancer survivors na nabiktima ng sakit mula sa paninigarilyo kasama ang pangulo ng New Vois Association na si Emer Rojas.

Si Rojas ay isang dating chain smoker na nakaranas ng laryngeal cancer kaya’t nawalan siya ng BOSES o tinig.

Napatunayang epektibo ang graphic health warning  kaysa sa teksto lamang o mga letra kaya’t kinokontra ito ng mga nagmamanupaktura ng sigarilyo.

Naniniwala ang New Vois Association (NVA) na hindi seryoso at pagkukunwari lamang ang “babala na nakamarka” sa sigarilyo dahil mayroon mas epektibo dito  pero ayaw ipatupad ng mga mga kinauukulan.

Naninikluhod ang mga biktima sa paghitit sigarilyo sa hukuman upang maproteksiyunan ang kalusugan ng taumbayan.

Laryngeal cancer
Si Roxas ay isa sa mga biktima ng ‘laryngeal cancer’ o kanser sa lalamunan na tuluyang tinanggal dulot ng abusadong paninigarilyo.

“Namaga ang vocal chord ko kaya inoperahan 6 na taon na ang nakalilipas,” ani Roxas sa isang panayam.

Pilit na ipinaliliwanag ni Roxas na kaya lamang sila nakapagsasalita dahil sa sinusuportahan nila ito ng ‘vibrator’ o ‘electronic laryngeal’.  Idinidikit ang gadget na ito sa tapat ng vocal chord upang makapagprodyus ng boses.

Aniya, umaabot sa P35,000 ang isang pinakamurang gadget.  “Dahil hindi namin kayang bumili nito, pinahiram kami ng New Vois Association, isang samahan na kanilang kinabibilangan.

Si Roxas ay isang dating master electrician sa hospital na kaniyang pinagtatrabahuan.  Ngayon ay tumutulong na lamang siya sa paghahatid ng mga supply sa hospital na siyang pangunahing ikinabubuhay.

Samantala, ayon sa talaan ng WHO, tatlo sa apat na nakababatid ng pinsalang dulot ng sigarilyo ay nagpahayag na ng paghinto sa paninigarilyo.  “Graphic health information on cigarette packs has been known to effectively discourage tobacco use.”

Pia, dismayado sa TRO sa graphic health warning sa mga pakete ng sigarilyo

DISMAYADO si Sen.  Pia S. Cayetano  kaugnay sa Temporary Restraining Order (TRO) na inisyu kamakailan ng isang korte sa Marikina na pumipigil sa administrative order ng Department of Health (DOH) na nag-uutos sa mga cigarette company na magpa-imprenta ng “graphic health warnings” sa pakete ng kanilang mga produkto ukol sa masasamang epekto ng paninigarilyo.

“Nakakalungkot ang desisyon ng RTC na pumipigil sa Administrative Order No.13 ng DOH,” reaksyon ni Cayetano sa TRO na ipinalabas ni Judge Felix Reyes ng Marikina Regional Trial Court Branch 272 noong Hulyo 01, 2010.

“Marahil ay hindi binigyang-halaga ng korte ang argumento na signatory ang Pilipinas mula pa noong 2005 sa isang pandaigdigang kasunduan sa ilalim ng World Health Organization: ang Framework Convention on Tobacco Control (FCTC). Ito ang nag-oobliga sa ating gubyerno na maghigpit sa mga regulasyon sa paninigarilyo para mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan.”

Dagdag pa niya: “Sa katunayan, ang paglalagay ng graphic health warning ay nakasaad sa Article 11 ng FCTC, kaya tama lang na ipatupad ito ng ating pamahalaan.”

“Gayunpaman, umaasa ako na mag-aapela ang DOH sa kasong ito, at sana’y kilalanin naman ng korte ang tungkulin ng gubyerno na pangalagaan ang public health at tumalima sa mga international treaty ukol sa kalusugan, partikular ang FCTC.”   Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply