‘Spy funds’ ni PNoy mas malaki kay GMA

IBINULGAR  ng isang kaalyado ng Palasyo sa Senado na  mas malaking hindi hamak  ang intelligence and discretionary funds  ni Pangulong Benigno  Aquino kaysa kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on finance, sinabi n Sen. Franklin Drilon na hihimayin ng Senado ang P1.42-bilyon “spy funds” ng administrasyong Aquino sa susunod na taon upang matiyak na gagastusin ito sa tamang pamamaraan.

Nabatid na mas malaki ang intelligence fund ni Pangulong Aquino kumpara sa badyet sa parehong item ng administrasyong Arroyo na nagkakahalaga ng P1.38 bilyon lamang.

“Kinakailangang mabusisi ang paggagamitan ng pondong ito dahil maaaring gamitin ang spy funds  hindi lamang sa pagbili ng intelligence information kundi baka gamitin din ang pondo bilang pambayad ng house and lot, mamahaling kotse at iba pang luho ng mga government officials,”  wika ni  Drilon.

Ayon kay Drilon, hindi dumadaan sa pagsusuri ng Commission on Audit (COA) ang naturang pondo na ginagastos sa pamamagitan ng “closed enveloped system,” na kahit walang resibo ay  maaaring lustayin.

Nagagawa umano ito kahit may patunay na nilagdaang sertipikasyon kung saan ginamit ang pondo.

“You write in a piece of paper the use of the intelligence funds to purchase intelligence information from Juan de la Cruz. You put it in a envelope, you seal it you give it to COA and you have liquidated the amount. You can buy house and lot and that can’t be seen in the audit,” paliwanag ni Drilon.

Nabatid pa sa senador na P 1.42-bilyon spy fund ng administrasyong Arroyo ay hiwalay pa sa spy fund ng bawat local government unit (LGU ) at government-owned and -controlled corporations (GOCCs).   Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply