“Ongkyang” tinanggihan, 8 taong kulong

PINATAWAN ng  walong taong pagkabilanggo ang isang lalaki ng manila regional Trial Court (MRTC)  matapos itong mapatunayang nagkasala sa pagsaksak matapos siyang tanggihang makipaglaro ng “barahang ongkyang” ,  tatlong taon na ang nakalilipas sa Tondo Maynila.

Ang akusadong si Michael Gonzales ay napatunayang guilty sa kasong frustrated murder ni MRTC Branch 53 Judge Reynaldo Alhambra sa pagsaksak sa biktimang si kennedy Garcia.

Base sa 7 pahinang desisyon,,inatasan din ng hukom ang akusado na bayaran ng P75,000  ang biktima para sa nominal at moral damages.

Sa  records ng korte,naganap ang insidente noong Setyembre 9,2007 matapos na tawagin ng akusado ang biktima sa labas ng kanyang bahay sa 1975 Catarman St.Tondo para maglaro ng baraha na tinatawag na  “Ongkyang” kung saan bangka umano ang akusado.

Matapos tanggihan ng biktima ay lumabas ang akusado sa kanilang bahay at sinaksak ang una kung saan agad namang naisugod sa Jose reyes Memorial Medical Center.

Hindi  binigyan ng hukom ang alibi ng akusado na siya ang sumaksak sa biktima,dahil kasama umano siya ng kanyang mga kaibigan noong oras na iyon. JocelynTabangcura Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply