1.4 toneladang botcha nasamsam sa Balintawak

DINAKIP nang pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police at City Health Department ang dalawa sa hinihinalang nagbebenta ng karneng botcha matapos salakayin ang puwesto nito, sa Balintawak, Quezon City.

Kinilala ni QCPD director Chief Supt. Benjardi Mantele, ang mga suspek na sina Rose Garcia, 30, dalaga, meat vendor, ng 102 Tabi, Guiguinto, Bulacan at Raymund Roxas, 26, ng 245 F. Santos st., Wawa, Balagtas, ng nasabi ring probinsiya.

Ayon kay Mantele, matagal na nilang mino-monitor ang kilos ng mga suspek dahil na rin sa reklamong nakararating,  partikular ang publikong nakakabili nito.

Ang nakumpiskang ay tinatayang aabot sa 1,200 kilos na karneng botcha na naging resulta nang pagsalakay sa Balintawak Market, Balintawak, ganap na alas 2:30 ng madaling araw.

Nabatid na hindi na inabutan ang mga suspek subalit isang tip mula sa impormante ang nagsabi na naka-istambay lang sa ‘di kalayuan  ang isang van kung saan naka-antabay sa pag-alis ng mga operatiba.

Dahil sa impornasyon, mabilis na tinungo ng mga awtoridad ang isang nakaparadang Mitsubishi van sa malapit sa Caltex Station, sa EDSA, Balintawak, na naglalaman ng  800 kilos ng nasabing karne kung saan nadakip nila si Garcia.

Matapos muling bumalik ang tropa sa sidewalk ng palengke at nasamsam ang 20 kilo pa ng botcha mula kay Roxas.

Tinukoy ni Health representatice Dra. Anna Marie Cabel, malamang sa food poisoning ang posibleng tumama sa sinumang taong kakain ng naturang karne na kung hindi maagapan ay maaring ikamatay ng mga ito. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply