$10-B ODA fund bubulatlatin

SAMPUNG kongresista ang nanawagan na agarang masiyasat ang bilyong pondo ng Official Development Assistance (ODA) na nagmumula sa ibang bansa dahil sa mga ulat na ito ay inaabuso.

Sa pangunguna ni Kasanggay Partylist Rep. Teodoro Haresco, isang resolusyon na humihiling sa Kamara na busisiin ng Kongreso ang pondo ng ODA na karaniwang ito ay ginagamit na alokasyon sa mga proyketong pang-imprasktraktura ng gobyerno.

Tinukoy sa inihaing House Resolution No. 273 ang pinakahuling ulat ng National Development Authority (NEDA)na ang ‘ODA-assisted projects’ ay karaniwang naantala, labis ang paggugol, at nilalabag ang mga probisyon sa procurement law at auditing rules na kung minsan ay naauwi pa sa kabiguan mai-liquidate ang mga cash advances.

Lumabas din sa 2009 ODA Portfolio Review na ang pondo ng ODA sa loob ng limang taon ay umabot sa $10 bilyon kung saan ang pinakamalaking pinagmulan nito ay ang Japan International Cooperation Agency (JICA).

Ang pondo ng ODA ay ginagamit upang gugulin sa may 24 na porsiyento ng national government infrastructure projects. Ito ay pinapantayan ng Philippine counterpart funds na nagkakahalaga sa P125.745 bilyon.

“The report shows myriad problems in 38 foreign-assisted projects – from non-compliance with the procurement law and auditing rules to unliquidated cash advances, absence of inventories, overstatement of accounts and delays,” ayon kay Haresco.

Dagdag pa ng kongresista na “this indicates that the billions of ODA and counterpart Philippine funds amounting to billions of pesos could have been a source of graft. Meliza Maluntag

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply