11,000 studes biktima ng dengue

Walang tigil ang pagdami ng bilang ng mga estudyanteng tinatamaan ng dengue fever.

Batay sa inilabas ng Health and Nutrition Council ng Department of Education, uma-abot na sa 11,682 ang bilang ng mga estudyanteng tinamaan ng dengue mula Enero hanggang ngayong araw, Setyembre 13.

Umaabot naman sa 117 estudyante ang kumpirmadong namatay sa sakit habang mayroong 359 na paaralan sa buong bansa ang may naita-lang kaso ng dengue kung sa-an nangunguna ang Region VII na may pinakamaraming tina-maan ng sakit na umaabot sa 3,616.

Nabatid na sa Metro Manila, ang paaralang may pinakamataas na kaso ng dengue ay ang Susano Elementary
School sa Novaliches, Quezon City na may 45 cases, sinundan ng Malabon Elementary School na may 22 at Bagong Silangan Elementary School sa Quezon City na may 17.

Iniulat din ng DepEd na dalawang guro mula sa Bohol at isa sa Cebu ang nadale rin ng dengue.

Ipinaalala naman ng DepEd ang mahigpit nilang utos sa mga principal at mga guro sa lahat ng paaralan sa bansa na pangunahan ang matinding cleanliness and information drive laban sa dengue.  Benedict Abaygar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply