1st Pichay Cup 7-stag derby at roligon

Magmimistulang ‘land of the giants’ ang Roligon Mega Cockpit sa susunod na linggo, sa Setyembre 28 & 30, kapag pumagitna ang mainit na pinag-uusapan na 1st Pichay Cup 7-Stag Derby kung saan nakatakdang magbanggaan ang mga pinaka-malalaking pangalan sa larangan ng sabong sa Pilipinas.

Kauna-unahang pasabong nina Butch Pichay at Rey Briones, ang 2-araw na labanan ay inaasistihan ni Lando Luzong, sa pakikipagtulungan ng Resorts World Manila at Thunderbird Power Feeds.

Ang bigtime na sultadahan ay magsisimula sa Martes, ika-28 ng buwang ito, kung saan di kukulangin sa 50 matitinding sabungero ang maghaharap para sa 3-stag elimination, na susundan naman ng  4-stag finals sa Huwebes, ika-30.

Ang matinding listahan ng mga kalahok ay binubuo nina Sonny Lagon, Atong Ang, Patrick Antonio, Antero Hernandez of Boss Totoy Gamefarm, Cong. Tony Kho with Boboy Booc, Danny Pe, Bong Pineda with 4 entries, Totoy Haruta, Luding Boongaling with 3 entries, Alex de Guzman with 2 entries combined with Boy Lechon, Bebot Roxas, Danny Ty, Cong. Manny Pacquiao, Arman Santos, Tady Palma, Eric & Butchoy, Danny Pe, Tony Lasala, Gerry Ramos, Mayor Nene Aguilar, Bong Artajos, Elmer Nepomuceno, Engr. Sonnie Magtibay, Bong Benimili, Dr. Jess Trinidad (Doc JBT), Edwin Monton, David Ong, Philip Pichay, Wilvin Sy, Mayor Bernos, Dicky Lim, Jojo Vacar, Atty. Capucchino, at Erwin Diamante at marami pang iba.

Ang pagsusumite ng timbang  (1.700 – 2.200 kgs.) at wingband numbers ay isang araw bago ang laban mula ika-8 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi.

Para sa karagdagang detalye at pagpapareserba ng cockhouse, magtext o tumawag sa mga numero: 851-2275; 853-1638; Lando Luzong–09173504333; Nestor P.–09108966458 o  Shirly – 09209509090.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply