2 ‘alien’ timbog sa drug bust

DAKIP ng mga tauhan ng Regional Anti-Drug Special Operations Task Group ng National Capital Region Police Office (RAIDSOTG-NCRPO) ang dalawang dayuhan sa akto ng pagbebenta ng shabu kamakalawa ng hapon.

Sa isinumiteng ulat ni Chief Supt. George Regis, hepe ng RAIDSOTG  kay NCRPO chief Director Leocadio Santiago, naganap ang buy-bust operation sa kanto ng Scout Tobias at Timog Avenue sa Quezon City matapos ang ilang linggong pagmamanman sa mga dayuhang suspek na sina Mousung Chen, 34 ng 27 Carlaville, Marilao, Bulacan at Quiling Chen, 38 ng 125 Narra St., Binondo, Manila.

Ayon kay Regis, sinampahan na nila ng kaso ang mga dayuhan matapos maiprisinta sa Quezon City Prosecutors Office.

Kabilang sa mga nakumpiska sa mga nadakip ang 9.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P39 milyon, pati na ang markadong salapi na ginamit ng poseur buyer.

Sinabi ni Regis na kinumpiska rin nila ang itim na Toyota Altis (ZFV-143) at cellphone ng mga salarin na ginagamit sa ilegal nilang aktibidad. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply