2 anak inabuso ni Dwayne

INIREKOMENDA ng appointed attorney ni Miami Heat guard Dwyane Wade sa korte sa Chicago ang pagbibigay sa kustodiya dito ng dalawa niyang anak.

Sina Wade at ex-wife Siohvaughn Wade ay hindi pa rin magkasundo kung kanino dapat mapunta ang dalawang anak nilang may edad 8 at 3.

Ayon kay Attorney Lester Barclay, ang kinatawan ng mga bata, nagsampa na sila ng pretrial memo na naglalaman ng tatlong recommendations para sa hearing sa kaso.

Unang nagreklamo ang misis ng basketbolista na sinasaktan umano nito ang kanilang mga anak kaya dapat mapunta sa kanya ang mga ito.

Aniya, dapat umanong isailalim sa “extensive therapy” ang dating asawa ni Wade.

Hindi naman umano kinailangan pa ang payo ng abogado at magdedesisyon ito kahit na walang magbibigay ng suhestiyon.

Ang recommendations ng abogado ay naglalaman  ng residential custody na dapat mapunta kay Dwyane Wade; ang joint custody na mayroong isa na uma-attend sa school sa Florida; o ang sole custody para sa 2006 NBA finals MVP.

Matatandaan na naigawad na kay Dwyane ang “physical possession” sa kanyang dalawang anak noon pang Hunyo ng isang judge sa Chicago matapos silang magkahiwalay ng kanyang misis ng buwan ding iyon sa pamamagitan ng legal na diborsiyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply