2 binata sinumpak sa mukha

NASA kritikal na kalagayan ang dalawang binata matapos kursunadahing bogahin ng sumpak sa mukha ng isang siga habang ito ay naglalakad pauwi ng bahay, sa Navotas City.

Ang mga biktima na ginagamot sa Jose Reyes Memorial Hospital  sanhi ng mga tama ng shrapnel ng sumpak sa mukha  ay nakilalang sina  Nestor Inraca, 25, bibata, ng C3 road, at JL Mozita Salazar, 17, ng Sitio Sto. Niño, NBBS, ng nasabing lungsod.

Kaugnay nito,  inatasan ni Supt. Tambaoan ang kanyang mga tauhan para sa ikadarakip sa suspek na nakilalang si  Jessie Roxas, 25, na sinasabing siga sa kanilang lugar para papanagutin ng  kasalanan..

Base sa imbestigasyon ni P03 Resty Castillo, ganap na alas-12:45 kahapon ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Sitio Sto. Niño, malapit sa Marcelo ice plant ng Navotas City.

Ayon sa salaysay ng saksing si Jenelyn Inraca,  26, hipag ng biktima, na  bumisita lang  sa kanilang  bahay  ang  bayaw at nagpaalam na bibili ng sigarilyo sa kalapit tindahan pero kinursanadahan  sila  ng suspek.

Habang sabay na naglalakad pauwi sa kanilang bahay ay sinalubong sila ng suspek na may bitbit na sumpak  at kaagad na pinaputukan ng isang beses sa mukha ang dalawa na nag resulta sa pagkalugmok ng ng mga ito sa pinangyarihan.

Mabilis na isinugod ng mga kamag anakan ang mga biktima sa pagamutan habang ang suspek ay mabilis na tumakas dala dala ang ginamit nitong baril. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply