2 departamento ng BoC, binuwag dahil sa smuggling

INIHAYAG kahapon ni Customs Commissioner Angelito Alvarez ang tuluyang pagbuwag sa dalawang tanggapan sa ilalim ng Bureau of Customs.

Ito’y makaraang mabuko ang ilang opisyal ng mga ito na sangkot sa isyu ng car smuggling at pagbebenta ng mga luxury vehicle.

Batay sa inilabas na Memorandum Order 35-2010, tuluyang ipina-abolish ni Alvarez ang Certification of Payment Verification Office at Certification of Payment Encoding and Verification Unit.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Alvarez na hindi mawawalan ng trabaho ang mga empleyadong nasa ilalim ng dalawang tanggapan.

Aniya, ibabalik ang 12 tauhan na maaapektuhan sa mother unit para mapakinabangan sa mas importanteng mga trabaho.

Idinagdag pa ng opisyal, bahagi na rin ng pagtitipid ng pamahalaan ang pagbuwag sa mga sangay na may duplikasyon ng trabaho.

Nabatid na ang CPVO at CPEVU ay halos kapareho rin ang ginagampanang papel sa ilan pang natitirang departamento ng BoC.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply