2 empleyado ng LBC pinaghubo ng holdaper

PINAGHUBAD ng pantalon ng dalawang armado ang dalawang empleyado ng nilooban nilang delivery company upang hindi makalabas ang mga ito at makahingi agad ng tulong kamakalawa sa Tondo, Manila.

Tangay ang cash ng LBC delivery company, cellphone at pera ng dalawang empleyado ay nakatakas ang dalawang suspek matapos ang panloloob sa sangay nito sa panulukan ng Hermosa at Jose Abad Santos Avenue sakop ng MPD Station 7, Tondo.

Sa ulat ng pulisya, dakong 2:30 ng hapon nang looban ng dalawang nagpanggap na kostumer ang LBC branch.

Ayon sa mga kawaning sina Jennifer Raymundo at Joseph Papa, nang mapuna ng mga suspek na dalawa lamang sila sa loob ng tanggapan ay naglabas ang mga ito ng baril at nagdeklara ng holdap. Pinapasok ng mga suspek ang dalawa sa comfort room at pinaghubad ng pantalon. Bago tumakas ay ikinandado pa ng mga suspek ang LBC upang hindi makalabas ang mga biktima. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply