2 Hong Kong policemen pinigil sa NAIA

HINDI nakalusot sa mga  security personnel ang dalawang Hong Kong police matapos  madiskubre sa kanilang pag-iingat ang mga basyo ng bala ng M-16 rifle, ilang sandali bago makapuslit  sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1  kahapon.

Pasakay  na sana ang mga ito sa Cathay Pacific Flight CX 900 na biyaheng Hong Kong  nang makita sa x-ray machine ang imahe ng mga basyo na nakalagaay sa kanilang bagahe kaya’t pinigil sila ng security personnel upang eksaminin ang laman nito.

Ang dalawang suspek na sinasabing kabilang sa nag-iimbestiga sa naganap na ‘hostage crisis’ sa Maynila ay dinala sa tanggapan ng 1st Police Center for Aviation Security (PCAS) ng PNP-ASG upang malaman kung saan galing ang mga basyo ng bala na kanilang ipupuslit sa paliparan.

Kinumpirma naman ni NBI Director Magtanggol Gatdula na tumawag sa kanya ang dalawang HK policemen nang pigilin sila ng mga awtoridad sa NAIA na makalabas ng bansa dahil sa mga basyo ng bala.
Ang dalawang Hong Kong police ay kabilang umano sa mga imbestigador na ipinadala ng Chinese government para mag-imbestiga sa Hong Thai travel bus at magsagawa ng ballistic examination sa mga baril na ginamit ng Manila police habang nasa kasagsagan ng hostage-taking sa Quirino grandstand sa lungsod ng Maynila.

Samantala, pinayagan ding makalabas sa bansa ang dalawang Hong Kong police isa rito ay sinasabing isang chief inspector nang makakuha ng ‘clearance’ mula sa gobyernong Aquino.Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply