2 low pressure area namataan

NAMATAAN ang dalawang sama ng panahon o low pressure area (LPA) sa Silangan bahagi ng Cagayan kahapon ng umaga, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration.

Ayon sa Pagasa, ang unang LPA ay namataan sa layong 70 kilometro, habang ang ikalawa ay nakita sa layong 740 kilometro ng Silangan ng Cagayan.

Sinabi ni Elson Dianela, weather observer ng Pagasa, kapag naging ganap na bagyo ang low pressure area ay papangalanan itong bagyong Henry.

Subalit sinabi na malayo na maging bagyo ang naturang LPA, dahil bukod sa malayo pa sa Philippine territory ay mahina rin ang dating nito.

Idinagdag pa ni Dianela, na walang kinalaman ang LPA sa mga nararanasang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa at dala ito ng hanging habagat.

Nagbabala naman ang Pagasa na ang manaka-nakang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ay maaaring maging banta ng flashflood at landslides, partikular sa Hilaga at Central Luzon . Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply