2 patay, 2 sugatan sa alitan ng 2 angkan

KALINGA-Alitan ng dalawang angkan ang tinitingnang motibo ng mga awtoridad sa pagkamatay ng dalawa katao at pagkasugat ng dalawa pa sa bayan ng Tabuk.

Nakilala ang mga nasawi na sina Robert Agpad at Junior Arcio, habang nagtamo naman ng matinding sugat sina Dasaline Arcio at Luis Arcio na pawang residente ng Nambaran, Tabuk, Kalinga.

Sinabi ni Army Capt. Adonis Banez, information officer ng 501st Infantry Brigade Phil. Army, nagkaroon ng kaguluhan ang pamilya Ciao na kinabibilangan din ni Robert Agpad at ang pamilya Arcio dahil sa dati nang alitan noong nasa Tinglayan, Kali-nga pa umano sila.

Ayon kay Banez, nagha-bulan umano ang dalawang magkaaway na pamilya na may kanya-kanyang bitbit na baril. Nang magpang-abot ay nagpalitan ng putok ang mga ito. Dead on the spot sina Agpad at Arcio.

Dahil dito, nagkasundo ang PNP at tropa ng militar na magbantay sa Nambaran, Tabuk para maiwasan ang pagdanak pa ng dugo sa lugar.

Balak din ng mga ito na irekomenda sa LGU Tabuk para isangguni sa Budong leader o nagsusulong ng kapayapaan ang nasabing insidente para maayos na ang gusot ng dalawang angkan at mapigilan na masundan pa ang karahasan. Jun Fuentes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply