2 binatilyo patay sa laban ng gagamba

NEGROS OCCIDENTAL -Humantong sa krimen ang labanan ng gagamba ng dalawang binatilyo nang pagtatagain ng 15 an-yos ang 13 anyos niyang kalaro at pagtatagain na-man ng ama ng biktima ang una sa bayan ng Bi-nalbagan.

Sa ulat  ng Negros PNP na nakarating sa Camp Cra-me, unang nasawi ang 13 anyos na si Jay Cabando ha-bang ang nanaga rito na si Gary Dolores, 15 anyos ay namatay kamakalawa ng umaga. Ang dalawang binatil-yo ay kapwa residente ng Brgy. Santol, Binalbagan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, noong umaga ng Agosto 30 ay inutusan ng kanyang ama na si Martin Cabando si Jay para bumili ng  tuba at sa daan ay  nasa-lubong nito si Gary. Palibhasa parehong mahilig sa gagam-ba, nagkahamunan umano ang mga ito na paglabanin ang kanilang mga alagang gagamba.

Sinasabing napikon si Gary nang matalo ang kan-yang gagamba na humantong sa pagtatalo ng dalawang bata.

Dahil sa galit ay tinaga umano ni Gary si Jay sa ulo.

Pagkaraan ay humingi umano ng tulong si Gary sa 20 anyos na lalaking nakilala sa alyas na DP upang maili-bing si Jay sa hukay na gina-wa para tambakan ng basura na nasa likurang bahagi ng kanilang bahay upang maita-go ang krimen.

Kamakalawa ng hapon ay nadiskubre ang krimen matapos magtulong-tulong ang pamilya ni Jay na hana-pin ito. May nakapagsabi umano sa pamilya ng biktima na inilibing ito nina Gary at DP kaya natunton ang hukay.
Hinuli ng mga barangay tanod si Gary at nang mata-naw ito ng ama ni Jay na si Martin ay hindi na nito napigi-lan ang galit kaya tinaga nito ang binatilyo.
Nakakulong na si Martin sa Binalbagan Police Station.
Verlin Cruz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply