20 % fare discount sa estudyante kahit walang pasok

UPANG makatulong pa ang gobyerno na maibsan ang pasanin ng magulang sa pagpapa-aral sa kanilang mga anak, isinulong ng isang kongresista na mabigyan ng 20 porsiyentong diskuwento sa lahat ng pampublikong sasakyan ang mga estudyante.

Sa pamamagitan ng House Bill 90, isinulong ni Aurora  Rep. Juan Edgardo Angara na mabigyan ng diskuwento ang mga estudyante sa lahat ng pampublikong sasakyan maging ito man ay sa himpapawid, sa lupa at sa dagat kahit walang pasok, tulad ng araw ng Linggo at Sabado, kahit na pista opisyal, at pasko.

Ang kailangan lamang aqy makapagpakita ang mag-aaral ng ID card o pagkakakilanlan ng estudyante kung saan siya nag-aaral o ang validated enrollment forms upang mabigyan ng diskwentong 20 porsiyento sa mga regular na pamasahe.

Kung sakaling tanggihan ang isang mag-aaral na bigyan ng diskwento, maaaring mahain ng reklamo ang
estudyante sa Office of the Secretary, ng Department of Transportation and Communications (DOTC)at nahaharap sa  multang P5,000.00 at tatlong buwang suspensiyon ang driver, kundoktor o inspector sa sinumang lalabag.

Samantala, nanawagan naman si Kabataan partylist Rep. Raymond Palatino na ipatupad ni Pnoy ang pangakong “daang matuwid” sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pamasahe sa MRT at LRT.
Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply