3 ang convictions sa extra judicial killings sa 9 taon

TITINDIGAN ka ng balahibo sa rekord ng gobyerno ukol sa extra judicial killings.

Kung bakit ay ating aalamin mula sa ulat ni human rights lawyer Al Parreno at ng Asia Foundation.

Ang isang nakatatakot, mga Bro, ay ang natagpuan nina Parreno na nasa 3 kaso lang ang natapos ng ating mga hukuman at nagkaroon ng conviction.

Yun bang may napatunayang nagkasala sa mga pamamaslang sa mga aktibista, mediamen, huwes, abogado, magsasaka, opisyal ng pamahalaan at iba pa.

Ano ang nangyari at ganun lang ang rate of conviction ng mga hukuman?

Eto ang ilan pang natagpuan nina Parreno.

May 97 aktibistang pinagpapatay at karaniwang mga militar ang akusado.

May nakabinbing 19 na kaso umano ang mga militar.

Mahigit 43 naman ang mga pinagpapatay na mediaman at opisyal ng gobyerno.

Hindi kasali sa listahan ng  mga kaso ang masaker sa Maguindanao na ikinamatay ng nasa 32 mediamen.

Meron namang nasa 25 na magsasaka at may 15 na abogadong pinatay.

Tig-9 naman ang biktima sa hanay ng ibang opisyales ng gobyerno at religious leader habang 6 ang huwes.

Sa pag-aaral nina Parreno, ang kawalan ng pagkakilanlan ng mga salarin ang isang malaking dahilan kung bakit marami sa mga kaso ang itinuturing na “unsolved.”

Nasa 90 kaso ang itinuturing na unsolved cases.

Balikan natin ang napakaliit na rate of conviction.

Bukod sa mga nabanggit na nina Parreno na dahilan, nais nating titigan ang rekord mismo ng mga hukuman.

Sa karanasan, inaabot ng 5-6 taon ang regional trial courts sa pagdinig sa mga kaso at sa pagdeklara ng conviction o acquittal.

Eh kung aakyat ang kaso sa Court of Appeals o sa Supreme Court kaya? Tila parehas din ang inuubos na oras ng mga matataas na Hukuman ito sa pagdedesisyon sa mga kaso.

Ngayon, ano pa ang maaasahan natin sa mga hukuman sa bagal ng kanilang pagdedesisyon?

Siguro, magandang rebyuhin nina Chief Justice Renato Corona ang problema  sa hustisya upang tunay na makamit ng mga biktima ang katarungan.

oOo

Ugaliin pong panoorin ang programang Meet the Press sa NBN channel 4 tuwing Huwebes 8-9PM.

Personal n’yo pong mapanonood ang ULTIMATUM sa programang ito.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text     o itawag sa 09214303333.  Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply