3 bagets patay sa salpukan ng sasakyan

NASAWI ang tatlong bagets kabilang ang isang babae nang salpukin ng isang kotse ang isang motorsiklo sa Antipolo City.

Ayon sa ulat, ang mga namatay ay sina Lovejoy Remoyan,16-anyos, out of school youth; Jackeren La Torre,16, na pawang residente ng H. Alarcon st.; at Mark Anthony Ragon, 15-anyos, ng 77 A. Bonifacio st., Brgy. Dela Paz sa nabanggit na lungsod.

Ang suspek na nakabanggaan ng mga biktima na driver ng isang kotseng Honda City Sedan, na may plakang XNH-869 ay si Emerald Concepcion, 21-anyos, kasalukuyang nakaratay sa Morong General Hospital bunga nang tinamong bubog sa katawan, pasa at sugat sa katawan.

Ayon sa suspek, hindi niya namalayan na may nakasalubong siyang motorsiklo na sinasakyan ng mga biktima dahil sa madalim ang kalsada, kaya nasalpok niya ito dahilan kaya tumilapon.

Nang makita ng mga tricycle driver na kasunod ang nangyari, agad nilang isinugod ang mga biktima at suspek sa pagamutan subalit hindi na umabot pa ng buhay ang tatlong bagets. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply