3 Customs execs suspendido sa China-made milk

SINUSPINDE kahapon ng Ombudsman ang tatlong opisyal ng Bureau of Customs (BoC) dahil sa kaugnayanng mga ito sa pag-import ng mga gatas na kontaminado ng melamine mula sa China.

Ayon sa desisyon ni Ombudsman Merceditas Gutierrez, pinatawan ng preventive suspension sina Customs Operation Officers Emmanuel Reyes, Akmad Noor at Dante Crisostomo.

Si Crisostomo umano ang examiner sa pagsasagawa ng documentary at physical examination sa mga produkto na papatawan ng buwis.

Anuman ang rekomendasyon ni Crisostomo ay isusumite kay Noor para sa review, bilang proncipal Customs examiner.

Ang finding ng mga ito ay mapupunta kay Reyes na tumatayong principal Customs appraiser.

Habang suspendido, walang matatanggap na sahod ang tatlo.

Ginawa ang suspensyon upang hindi maimpluwensiyahan ang imbestigasyon ng ahensiya.

Ang tatlo ay kabilang sa 11 iba pang isinasailalim sa imbestigasyon matapos na kasuhan ng Field Investigation Office ng Ombudsman.

Hindi umano nabusisi ng nasabing mga Custom officials ang certificate of product registration sa sales invoice at bill of lading ng Jolly Cow High Calcium Low Fat Milk.

Batay sa pagsusuri ng dating Bureau of Food and Drugs Administration (BFAD) na ngayon ay Food and Drug Administration (FDA), ang nasabing gatas ay kontaminado ng melamine.

Ang melamine ay kemikal na ginagamit sa paggawa ng mga produktong plastik.

Ilang bata ang napaulat na nasawi sa China matapos makainom ng gatas na kontaminado ng melamine. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply