3 holdaper timbog sa pulisya

NAARESTO ng mga otoridad ang tatlong  holdaper kabilang ang isang menor de edad matapos mangholdapma sa isang pampasaherong jeep, sa Taguig City.

Batay sa report kay Senior Supt. Ronald. Estilles, kinilala ang mga suspek na sina Felix Berida, 38-anyos; Marlon Montellano, 19-anyos at isang menor de edad na itinatago sa pangalang Roy, 17-anyos, kapwa naninirahan sa Purok 6-C, Bagong Tanyag ng naturang lungsod.

Narekober sa mga salarin ang dalawang kalibreng .38 baril at dalawang patalim na ginagamit sa pang hoholdap

Batay sa  imbestigasyon ni PSI Melencio Mina, bandang alas 7:30 ng gabi nang kanilang mamataan ang tatlong suspek na papasakay ng pampasaherong jeep ng kanilang sundan, matapos din sundan ng isang operatiba na si SPO2 Bejar ang jeep nang maaktuhaang manghoholdap ang mga suspek.

Kaagad na sumuko ang tatlong suspek at napag-alaman na maraming mga atm cards at ibat-ibang walet ang nakumpiska sa tatlong suspek na hinihinalang nakapangholdap na sa iba’t  ibang lugar.

Pormal nang sinampahan ng kaso ang mga salarin sa Taguig City Regional Trial Court  at naharap din ang tatlong suspek sa kasong GunBan na ipinaiiral ng Comelec maliban sa kasong PD 1866 o illegal possession of firearms at bladed weapon. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply