3 todas sa panghuhuli ng gagamba

KAAGAD na namatay ang tatlong kalalakihan na nanghuhuli ng gagamba habang malubha namang nasugatan ang isa pa makaraang pagbabarilin ng mga security guard, sa Brgy. Maguyam, Silang, Cavite.

Kinilala ni Provincial Director Sr. Supt. Danilo Maligalig ang mga biktimang nasawi na sina Francisco Buerco, 36 anyos; Criuspin Hubilla, 32; Cristina Salvador, 24; habang nasa kritikal na kalagayan si Jose Loreven Padaong 32, pawang residente ng Brgy. San Gabriel,  Area K, Gen. Mariano Alvarez, ng nabanggitn na lalawigan.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang mga suspek na sina Edwin Ancito, Mc Padis,  Al Paglinawan,  Oscar Albaza, kapwa ng Brgy. Sta Ines, Tanay Rizal; Neptali Miranda, Pastor Medina, Geronimo Vertudez,  Amistoso Benedicto, Renato Cuaderno, Victor Timtimon at Manny Tabago ng Dasmarinas Security Service Inc.,  sa Zone 1, Brgy. Poblacion, Dasmariñas City.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Primitivo Cañete, Jr., bandang alas-9:30 ng gabi habang nanghuhuli ng gagamba ang magkakaibigan sa madamong bakanteng lote na pag-aari ng Tricon Development Inc.

Namataan ng mga security guard ang apat na kalalakihan na nasa dilim at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga ito na kaagad na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan na ikinasawi  ng mga ito.

Mabilis na isinugod sa Philippine General Hospital ang biktimang si Oadaong na patuloy pa ring ginagamot.

Narekober sa lugar nang pinangyarihan ang iba’t ibang uri ng basyo mula sa baril na Carbin, kalibre .45 at M-14 rifle.  Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply