4 buwan buntis, binoga ng ka-live-in

NASAWI ang isang babaing apat na buwang buntis makaraang mabaril ng live in partner nito dahil sa tindi ng kanilang pag-aaway, kahapon ng umaga, sa Tondo, Maynila.

Hindi na nagawang maitakbo sa ospital ang biktimang si Jelyca Miranda, habang mabilis namang tumakas ang suspek at live-in partner nitong si Jeck-jeck Nicolas,30-anyos, may-asawa, ng 87 C Quezon st., ng nasabing lungsod.

Sa report ni PO3 Alonza Layugan, dakong alas 5:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng inuupahang bahay ng dalawang nabanggit.

Ayon naman kay Pablo Nicolas, ama ng suspek, na nakasalubong nito ang anak na tila hindi mapakali kaya tinanong niya  kung ano ang nangyari rito.

Dito natuklasang ama ang naging pagpapambuno ng biktima at suspek kung saan hindi inaasahan na pumutok ang baril na pinag-aagawan ng maglive in partner.

Kagad na nagtungo si Pablo sa bahay ng anak kung saan nakita niya ang duguang katawan ng babae na nakahandusay sa sahig dahilan upang ipagbigay alam nito sa  barangay na inireport naman sa pulisya.

Nabatid na selos ang dahilan nang madalas na pag-aaway ng dalawang nagsasama. Nalaman pa na may apat na buwang buntis ang biktima.

Inilagak ang bangkay ng nasawi sa St. Yvan Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply