4 pulis nilamog sa tangkang paghuli

PINAGTULUNGANG bugbugin ang apat na pulis ng isang pamilya matapos  tangkaing arestuhin ang isa sa mga ito na  nanggugulo, sa Navotas City.

Nagtamo ng mga bukol at pasa sa mukha at katawan sina PO2 Ianrry Reyes, PO1 Ryan Gonsales, PO1 Ricardo Genuino at PO1 Robert Lobos, pawang nakatalaga sa PCP 3 ng Navotas City Police.

Naaresto naman ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek na si Lauro David Basilio, 49-anyos, residente ng Cadorniga st., corner Buasa st., Brgy. Bagumbayan ng nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Resty Castillo, naganap ang insidente dakong alas-10:50 ng gabi sa panulukan ng Cadorniga at Buasa Sts., Brgy. Bagumbayan.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag sa telepono ang PCP 3 hinggil sa pagwawala ng isang lasing na lalaki sa naturang lugar kaya agad na rumesponde ang apat na pulis.

Pagdating sa lugar ay inabutan pa ng mga ito ang pagwawala ni Marlon Basilio, anak ng naarestong suspek.

Agad na inaresto ng mga ito ang nagwawalang lalaki ngunit dahil sa kapapalag ay nakatakas hanggang sa makatago sa kanilang tahanan.

Pilit na kinukuha ng mga biktima ang suspek ngunit sa halip na ibigay ng mga kamag-anak ay pinagtulungan pang bugbugin ang mga ito.

Hindi naman nagawang makatakbo ni Lauro nang masunggaban ng isa sa mga rumespondeng otoridad habang ang si Marlon at iba pang miyembro ng pamilya ay mabilis na nakatakas. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply