5 menor nabiktima ng human trafficking

MAAGANG nasira ang puri ng limang menor de edad na babae makaraang mabiktima ng mag-asawang human trafficker na nakabase sa San Antonio Nueva Ecija.

Sa panayam kay PO3 Arlene Alvero, hepe ng Navotas City Women and Children Protection, nagawang makatakas ng mga biktima sa kamay ng dalawang suspek kaya agad nakapagsumbong sa pulisya.

Sa pahayag ng mga batang may mga edad 14-15, nakilala ng mga biktima ang naarestong suspek na si Vanessa Arevalo, 22, habang pinaghahanap ng pulisya ang asawa nitong nakilala lamang sa alyas “Boy Buko” nang alukin sila ng trabaho.

Ayon sa mga biktima, pinangakuan umano sila ng mag-asawa ng trabaho bilang tindera ngunit pagdating nila sa lugar ay agad silang pinaligo at pinakain.

Ilang sandal pa ay narinig nilang iniaalok sila ng mga salarin sa ilang kalalakihan sa halagang P500 bawat isa.

Dagdag ng mga bata, umaabot sa tatlong lalaki ang nakagagalaw sa kanila bawat gabi bago nagawang takasan ang mga suspek. Jun Samson

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply