5 Pinay bibitayin sa China dahil sa droga

LIMANG Pilipina ang nakatakdang bitayin sa Beijing, China, matapos mahatulan sa kasong pagdadala ng droga.

Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa House committee on overseas Filipino workers kahapon.

Iniulat ni Foreign Affairs Undersecretary Esteban Conejos sa komite na pinamumunuan ni Akbayan Rep. Walden Bello na nagkukumahog na ang gobyerno dahil ang hatol na bitay ay isasapinal na sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.

Sinabi ni Bello na dalawa sa limang Pinay ay hindi maaaring ipakiusap dahil ang hatol “was imposed with finality and no reprieve,” samantalang ang 70 naunang nahatulan ng bitay ay may “reprieve” na dalawang taon.

“Nagsilbing drug mules umano ang mga ito ng transnational drug syndicate,” paliwanag ni Bello.

Hindi muna ipinalabas ng komite ang pangalan ng limang Pinay, ngunit nagbigay ng katiyakan si Bello na gumagawa na umano ng hakbang ang gobyerno.

Samantala, hinikayat ni Agham Rep. Angelo Palmones ang kalihim ng Department of Labor and Employment (Dole) na personal na mag-ulat kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III upang hindi  magkaroon ng mali-maling impormasyon.

Ito ay matapos iulat ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa komite na dalawa lamang at hindi marami, gaya ng pahayag ng Malakanyang, ang mga OFW na nasisibak sa trabaho sa Hong Kong kaugnay sa madugong hostage-taking. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply