5 tigbak sa salpukan ng truck at van

CAGAYAN-Patay ang limang sakay ng nagsalpukan na truck at van sa bayan ng Alcala kahapon ng madaling araw.

Kabilang sa mga nasawi ang isang Randy Batobalanos at isang alyas Pepito.

Inaresto naman ng mga awtoridad ang driver ng 10 wheeler truck na si Florentino Felipe.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa Barangay Piggatan sa bayan ng Alcala.

Ayon sa imbestigador na si SPO2 Alvino Sorita ng Alcala police, tumatahak ang dalawang sasakyan sa mag-kabilang direksyon nang magsalpukan.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung sino sa mga sangkot na tsuper ang dapat papanagutin sa insidente. Evelyn Garcia/Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply