59 ospital naghihingalo dahil sa bawas-badyet

INAASAHANG dadami ang maghihingalong pasyente sa mga pampublikong pagamutan matapos tapyasan ng administrasyong Aquino ng P1.4 bilyon ang  badyet ng 59 ospital sa buong bansa, kabilang ang apat na ekspertong sentro sa Quezon City.

Ayon kay Sen. Francis  “Chiz” Escudero, kailangan din ng mga nanghihingalong pampublikong pagamutan ang “cash dole-out” mula sa pamahalaan tulad ng ipamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mahihirap na pamilya.

Natuklasan ni Escudero na binawasan ng Department of Budget and Management (DBM) ang badyet ng 55 pampublikong pagamutan ng halagang P364 milyon samantalang umabot naman sa P1 bilyon ang ibinawas sa Lung Center, Hearth Center, Kidney Institute at National Children’s Hospital sa Quezon City.

“Putting more beds, doctors and medicines in hospitals is as much as a pro-poor initiative as putting money in their pockets,” wika ni Escudero.

“Matinding pag-aalala ng mahihirap ang pagkakasakit at maospital. Kaya kahit bigyan mo sila ng tig-P1,400 kada buwan, kung magkasakit ang isang sanggol, ubos kaagad ito. Kaya pupunta siya sa isang pasilidad sa panahon ng kagipitan at higit niyang kailangan ang tulong,” ayon kay Escudero.

Sinabi ni Escudero na mababalewala o walang kuwenta ang intensiyon ng P1,400 kada buwang tseke ng mahihirap na ipinamimigay mula sa Conditional Cash Transfer (CCT) program kung hindi naman magamot ng pinakamalapit na ospital ang pasyenteng may dengue dulot ng kawalan ng tauhan at gamot.  Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply